Template:Taas-Noo Pilipino
Jump to navigation
Jump to search
Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang weightlifter at unang Pilipinong atleta na nagwagi ng kauna-unahang gintong medalya para sa Pilipinas sa Olympic Games.
Noong 26 Hulyo 2021, napagtagumpayan ni Diaz na makamit ang gintong medalya para sa women’s 55-kilogram weightlifting category ng 2020 Tokyo Olympic Games. Nagbigay ito ng mataas na karangalan sa Pilipinas sapagkat ito ang unang gintong medalya na naiuwi ng isang Pilipinong atleta na lumaban sa Olympic Games mula nang lumahok ang bansa noong 1924. Sa kabuoan, si Diaz ay nakapagbuhat ng 224 kilogramo, isang kilogramong lamáng sa kalaban at nasa ikalawang puwesto na si Liao Quiyun (223 kg) ng China. Ikatlong puwesto naman si Zulfiya Chinshonlo (213 kg) ng Kazakhstan.