Template:Taas-Noo Pilipino

From Wikfilipino
Revision as of 16:17, 31 August 2021 by Gmallorca (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search
Leni Robredo

Si Maria Leonor “Leni” G. Robredo ay isang Pilipinong manananggol, aktibista, at politiko na iprinoklama bilang ika-14 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Siya ang ikalawang babaeng naging pangalawang pangulo. Marami ang umaasa sa kaniyang pagtakbo bilang pangulo sa nalalapit na Halalan 2022. Nakatanggap si Robredo ng Special Award for Public Service mula sa People of the Year 2021 dahil sa kaniyang masigasig na pagtataguyod ng programang Angat Buhay at ng Tanggapan ng Ikalawang Pangulo. Nananatili ring malinis ang rekord ng kaniyang tanggapan sa Komisyon sa Pagsusuri. Sa ikatlong pagkakataon, mula noong 2018, ang tanggapan ni Robredo ang nakakuha ng pinakamataas na audit rating mula sa komisyon.