Template:Taas-Noo Pilipino

From Wikfilipino
Revision as of 16:17, 31 May 2021 by Gmallorca (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search
Luisito Espinosa

Si Luisito Pio Espinosa (26 June 1967) ay boksingerong Pilipino na nagwagi ng dalawang Titulong Pandaigdig (World Title) sa magkaibang dibisyon ng timbang. Siya, na mas kilala bilang “Golden Boy” o “Lindol”, ay naging propesyonal na boksingero noong 1984. Nakuha niya ang titulong WBA Bantamweight nang talunin niya si Khaokor Galaxy sa unang round ng kanilang laban. May dalawang beses niyang ipinagtanggol ang naturang titulo bago siya natalo ni Israel Contreras noong 1991. Noong 1995, nakuha ni Espinosa ang titulo ng kampeonato sa WBC Featherweight nang talunin niya si Manuel Medina. Pitong beses ipinagtanggol ni Espinosa ang naturang titulo bago ito nakuha ni Cesar Soto noong 1999. Nang sumunod na taon, hinamon niya si Guty Espadas Jr. para sa titulo ng WBC Featherweight, ngunit nabigo siya nang ihinto ang kanilang laban. Si Espinosa ay nagretiro noong 2005, nang mapatulog siya ng kaniyang kalaban na si Cristobal Cruz.