Template:Taas-Noo Pilipino
Jump to navigation
Jump to search
Maraming manggagawang Pilipino ang mas pinipiling magtrabaho sa ibang bansa. Mas kilala sa tawag na Overseas Filipino Worker (OFW), ang mga manggagawang ito ay may malaking ambag sa ekonomiya ng ating bansa. Sila ay kabilang sa mga tinatawag nating “makabagong bayani.” Batay sa Survey on Overseas Filipinos na sinarbey mula Abril hanggang Setyembre 2019, tinatayang 2.2 milyon ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang kinikita ng mga OFW ay may malaking ambag sa ating ekonomiya. Ang kanilang remittance o ipinadadalang pera sa kani-kanilang pamilya sa Pilipinas ay may malaking ambag sa kabuoang gross domestic product (GDP) ng bansa. Noong Disyembre 2020, umabot sa $3.20 bilyon ang naipadala ng mga OFW sa Pilipinas.