Template:Taas-Noo Pilipino
Si Francisco Baltazar y dela Cruz (2 Abril 1788–20 Pebrero 1862), kilala rin bilang Francisco Balagtas, ay isang tanyag na makatang Tagalog. Isa sa mga natatanging akda niya ay ang awit na pinamagatang Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa Kahariang Albanya, mas kinikilala ngayon bilang Florante at Laura. Sa pagsisimula ng ika-20 siglo, marubdob na sinaliksik at pinag-aralan ni Hermenegildo Cruz ang buhay ni Balagtas. Ang mga pananaliksik na ito ay naisaaklat niya noong 1906 na pinamagatang Kung Sino Ang Kumatha ng “Florante”: Kasaysayan ng Buhay ni Francisco Baltazar at Pag-uulat nang Kaniyang Karununga’t Kadakilaan. Ang aklat na ito ay nagsisilbing pangunahing batayan ng mga impormasyong nalalaman natin sa kasalukuyan tungkol sa Sisne ng Panginay.