Template:Taas-Noo Pilipino

From Wikfilipino
Revision as of 00:23, 1 February 2021 by Gmallorca (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search
Lapulapu

Si Lapulapu ay ang datu ng Mactan sa Cebu at unang Pilipino na lumaban sa mga dayuhan matapos nitong magapi si Ferdinand Magellan at ang hukbo nito sa Labanan sa Mactan na naganap noong 27 Abril 1521. Dahil dito, naudlot nang 40 taon ang pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Itinuturing din siya na unang bayaning Pilipino. Kakaunti lamang ang naisulat na nagsasalaysay patungkol sa buhay ni Lapulapu. Ang tanging pangunahing sanggunian lamang ng mga historyador ay ang mga salaysay ni Antonio Pigafetta. Dahil dito, nananatiling usapin at paksa sa mga pag-aaral ang pangalan, buhay, at pinagmulan ni Lapulapu.