Template:Taas-Noo Pilipino

From Wikfilipino
Revision as of 16:23, 31 May 2022 by Gmallorca (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search
Marcela Agoncillo

Si Marcela Mariño Agoncillo (24 Hunyo 1860—30 Mayo 1946) ang nanguna sa paghabi ng una at opisyal na watawat ng Pilipinas, na ginawa sa Hong Kong sa tulong ni Delfina Herbosa de Natividad, pamangkin ni Jose Rizal. Si Agoncillo ay kinikilalang “Ina ng Watawat ng Pilipinas.” Sa edad na 30 ay ikinasal siya kay Felipe Agoncillo, abogado at kumatawan sa Pilipinas sa Kasunduang Paris noong 1898.