Template:Taas-Noo Pilipino
Jump to navigation
Jump to search
Si Francisca Reyes Aquino, isang edukador, guro at nasyonalista, ay ang unang babaeng ginawaran ng parangal na Pambansang Alagad ng Sining sa Sayaw sa bansa. Gumawa siya ng malawak at masusing pag-aaral ng mga katutubong sayaw sa Pilipinas at dahil dito, malaki ang naiambag niya sa pagsulong ng kultura ng Pilipino sa larangan ng pagsayaw. Siya rin ang nagtatag ng Filipiniana Folk Dance Troupe at The University of the Philippines Dance Troupe.