Template:Bagong Pangyayari
Jump to navigation
Jump to search
Si Reyna Valeriana ay isa sa mga tauhan ng Ibong Adarna. Siya ang kabiyak ni Haring Fernando at ina ng tatlong prinsipe. Sa korido, isang beses lamang binanggit ang ngalang “Valeriana,” sa ikaanim na saknong, ngunit ang kaniyang presensiya ay bakas sa buong kuwento at masasalamin sa apat na lalaki sa kaniyang buhay.