Tagalog (pangkat etniko)

From Wikfilipino
Revision as of 07:20, 25 March 2021 by Daidlisan (talk | contribs) (Created page with "thumb|right|Mga Tagalog noong mga maagang 1800 na nakasuot ng tradisyonal na kasuotan ng panahon.Ang mga '''Tagalog''' ang pinakamalak...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search
Mga Tagalog noong mga maagang 1800 na nakasuot ng tradisyonal na kasuotan ng panahon.

Ang mga Tagalog ang pinakamalaking pangkat etniko sa Pilipinas kasunod ang mga Bisaya, at ang may pinakamalawak na distribusyon sa bansa. Sila ang pangunahing pangkat etniko sa mga lalawigan ng Batangas, Cavite, Bulacan, Laguna, Bataan, Quezon, Camarines Norte, Marinduque, at Rizal. Nagtataglay rin ang mga lalawigan ng Nueva Ecija, Tarlac, Aurora, Zambales, at Mindoro Oriental, at ang Kalakhang Maynila, ng mga malalaking populasyong Tagalog.

Mula ang pangalang Tagalog sa katawagang “taga-ilog”.

Ang mga Tagalog ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagsasaka, pangingisda at pagtitinda. Masipag, matiyaga at masikap ang mga Tagalog. Sila ay likas na masayahin kaya madalas silang magdaos ng mga pagtitipon tulad ng kasalan, kaarawan at kapistahan.

Template:Katiting==Pagkilala==

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Tagalog (pangkat etniko). Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.