Difference between revisions of "Suspek sa pagpatay sa magkapatid noong 2003 nasa RP na"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
(Created page with "Naibalik na sa Pilipinas mula sa Thailand nitong Sabado ang isa sa mga "most wanted" sa listahan ng Philippine National Police na kinakaharap na kasong pagnanakaw at p...")
 
 
Line 13: Line 13:
 
Pagdating sa bansa, dinala si Panlilio sa [[Camp Aguinaldo]] sa Quezon City.
 
Pagdating sa bansa, dinala si Panlilio sa [[Camp Aguinaldo]] sa Quezon City.
  
Nadakip si Panlilio noong Martes sa Pattaya, Thailand dahil sa paglabag sa immigration law. Hindi kaagad siya pinalaya ng mga awtoridad matapos malaman na nasa listahan siya ng “red notice" ng Interpol.{{WikiFilipino Nilalaman}}
+
Nadakip si Panlilio noong Martes sa Pattaya, Thailand dahil sa paglabag sa immigration law. Hindi kaagad siya pinalaya ng mga awtoridad matapos malaman na nasa listahan siya ng “red notice" ng Interpol.
 +
 
 +
{{WikiFilipino Nilalaman}}

Latest revision as of 09:23, 4 January 2021

Naibalik na sa Pilipinas mula sa Thailand nitong Sabado ang isa sa mga "most wanted" sa listahan ng Philippine National Police na kinakaharap na kasong pagnanakaw at pagpatay sa magkapatid noong 2003.

Si Jose Maria Panlilio, nadakip sa Thailand matapos ang ilang taong pagtatago, ay pangunahing suspek sa pagpatay sa magkapatid na Albert Gutierrez at Ariel Real noong 2003.

Nakita ang mga labi ng biktima na may tama ng bala sa Laguna. Sinasabing nawawala rin ang P250,000 na dala ng magkapatid.

Matapos magtago, naglaan ang awtoridad ng pabuyang P5 milyon sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ni Panlilio.

Suot ang itim na damit at sumbrero, dumating si Panlilio sakay ng Cebu Pacific habang mahigpit na binabantayan ng mga ahenteng Pinoy ng International Criminal Police Organization o Interpol.

Kasabay na dumating ni Panlilio ang ina ng magkapatid na biktima na si Atty Carmencita De Castro. Nagtungo siya sa Thailand para personal na makita ang pagdakip kay Panlilio.

Pagdating sa bansa, dinala si Panlilio sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Nadakip si Panlilio noong Martes sa Pattaya, Thailand dahil sa paglabag sa immigration law. Hindi kaagad siya pinalaya ng mga awtoridad matapos malaman na nasa listahan siya ng “red notice" ng Interpol.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.