Surigao del Norte

From Wikfilipino
Revision as of 05:54, 24 March 2021 by Ldacles (talk | contribs) (Created page with "Matatagpuan sa rehiyon ng Caraga sa Mindanao ang '''Surigao del Norte'''. Lungsod Surigao ang kabisera nito. Binubuo ang lalawigan ng tatlong pangunahing pulo — Pu...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Matatagpuan sa rehiyon ng Caraga sa Mindanao ang Surigao del Norte. Lungsod Surigao ang kabisera nito. Binubuo ang lalawigan ng tatlong pangunahing pulo — Pulo ng Dinagat, Pulo ng Siargao, at Pulo ng Bucas Grande na pawang sakop ng Dagat Filipinas; at ng isang maliit na rehiyon sa pinakahilagang dulo ng pulo ng Mindanao na kinaroroonan ng Agusan del Norte at Surigao del Sur na pawang nasa timog ng rehiyon.

Nasa dulong hilagang bahagi ng Mindanao ang lalawigan ng Surigao del Norte, kung kaya't ito ay mahalagang ruta ng transportasyon mulang Visayas hanggang Mindanao at pabalik. Marami ang dumadaan sa Kipot Surigao na nasa pagitan ng Surigao at Pulo ng Leyte, dala ang kani-kanilang sasakyang mula pa sa Liloan, Timog Leyte at Lungsod Surigao.


Heograpiya

Politikal

Binubuo ng 27 munisipalidad at 1 lungsod ang Surigao del Norte.

Lungsod

  • Surigao

Mga munisipalidad

  • Alegria
  • Bacuag
  • Basilisa (Rizal)
  • Burgos
  • Cagdianao
  • Claver
  • Dapa
  • Del Carmen
  • Dinagat
  • General Luna
  • Gigaquit
  • Libjo (Albor)
  • Loreto
  • Mainit
  • Malimono
  • Pilar
  • Placer
  • San Benito
  • San Francisco (Anao-Aon)
  • San Isidro
  • San Jose
  • Santa Monica (Sapao)
  • Sison
  • Socorro
  • Tagana-an
  • Tubajon
  • Tubod

Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.