Sonny Trinidad

From Wikfilipino
Revision as of 07:39, 25 March 2021 by Daidlisan (talk | contribs) (Created page with "250px|thumb|right|Mahimud Ali by Sonny Trinidad, 1980|link=Special:FilePath/Mahimudali.jpgSi '''Sonny Trinidad''' ay isa sa mga pinakamagaling na dibu...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search
File:Mahimudali.jpg
Mahimud Ali by Sonny Trinidad, 1980

Si Sonny Trinidad ay isa sa mga pinakamagaling na dibuhista sa kasaysayan ng komiks sa Pilipinas. Noong dekada 70s, isa siya sa mga gumuguhit para sa Marvel Comics. Pinatunayan niya ang kanyang galing nang siya ay pinili bilang isa sa mga paboritong dibuhistang Filipino ni John Romita Sr. (editor ng Marvel Comics). Sumikat si Trinidad hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa iba't ibang dako ng mundo kung saan umaabot ang kanyang mga likha.

Karera

Si Trinidad ay isa nang dibuhista simula pa noong siya ay nasa high school. Bahagi siya ng campus paper nilang "The Glimmer".

Tubong Sta. Rosa, Laguna, nagsimula ang kanyang propesyon sa larangan ng komiks bilang katuwang ng manunulat at dibuhistang si Francisco V. Coching. Kaya't mapapansin na ang istilo ni Trinidad ay hawig sa gawa ni Coching. Nang tumagal, siya ay umalis kay Coching at gumawa ng sarili niyang mundo. Agad din naman siyang nakakuha ng mga komiks na iguguhit galing sa magkapatid na Tony at Damy Velasquez, at kay Mars Ravelo.

Sa angking galing ni Trinidad sa pagguhit sa mga gawa ng mga kilalang manunulat, hindi nagtagal ay lumabas ang kanyang mga komiks maging sa ibang bansa. Naging dibuhista siya ng Marvel Comics Group sa New York City sa mga komiks na Conan the Barbarian, Dracula, Morbius, Doc Savage, at iba pa.

Kahit nabigyan ng trabaho sa ibang bansa, hindi iniwan ni Trinidad ang paggawa ng Komiks sa Pilipinas. Tumanggap pa rin siya ng mga trabaho sa Gordon Fanzine Comics sa Canada, ngunit patuloy pa rin ang paggawa niya sa Graphic Arts Service, Inc. Sa GASI, siya ang gumuguhit sa mga nobela nina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Pat V. Reyes. Dahil sa pagmamahal sa trabaho, humanap pa rin siya ng oras upang gumuhit para sa Liwayway Magazine at Pilipino Funny Komiks for Children. Siya ay dalubhasa sa seryosong pagdidibuho at semi-cartooning, tulad ng ginawa niya sa seryeng Mahimud sa Funny Komiks.

Parangal

Laging nominado si Trinidad bilang pinakamagaling na dibuhista sa taunang CCMM Awards. Noong 1984, natanggap niya ang "Best Serial Illustrator Award" sa KOMOPEB Parangal sa Komiks.

Mga Gawa

Ilan pa sa mga nagawang komiks ni Trinidad, kasama ang mga sikat na manunulat, ay ang:

Gumawa siya ng mga horror titles para sa Marvel Comics.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.