Sapin-sapin

From Wikfilipino
Revision as of 06:20, 16 July 2021 by Gmallorca (talk | contribs) (Gmallorca moved page Sapin-Sapin to Sapin-sapin without leaving a redirect)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search
Sapin-sapin with sprinkled with crumbs.jpg

Ang pagkain na Sapin-sapin ay nagmula sa probinsya ng Abra, sa hilagang bahagi ng Pilipinas. Tinawag itong sapin-sapin dahil sa iba't ibang bahagi na mayroon ito na may iba't ibang kulay. Ito ay isa sa mga paboritong kakanin ng mga Pilipino.

Mga Sangkap

  • Tsa't kalahating tasa ng malagkit o galapong
  • Kalahating tasa ng rice galapong
  • Dalawa't kalahating tasa ng puting asukal
  • Tatlong tasa ng ube
  • Apat na tasang gata ng niyog
  • dalawang lata ng kondensada
  • food coloring
  • ginayat na niyog

Proceso

Sa paggawa ng sapin-sapin, una, pagsama-samahin ang mga sangkap maliban sa ube, ginayat na niyog at food color. Pagkatapos ay hatiin ito sa tatlo. Ang unang bahagi ay haluan ng ube at lagyan ng food color na kulay ube upang mas lumabas ang kulay nito. Sa ikalawang bahagi naman, ihalo ang pula ng itlog. Ang ikatlong bahagi naman ay hayaan nalang manatili sa kulay puti.

Pahiran ng konting matika ang kawali, pagkatapos ay lagayan ng dahon ng saging, pahiran din ito ng konting mantika. Ilagay ang unang bahagi ng pinaghalo-halong sangkap ng pantay pantay sa bawat gilid. I-steam ito ng mga taltumpung minuto hanggang sa maluto ito. Pagluto na ito, ilagay naman ang ikalawang bahagi at lutuin muli sa loob ng tatlumpung minuto. ganoon din ang gawin sa ikatlong bahagi.

Habang naghihintay na maluto, i-prito ang ginayat na niyog hanggang ito ay maging kulay brown at maging latik at ilagay sa ibabaw ng nalutong sapin sapin. Hayaan munang lumamig bago ito hiwain.




Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.