Salinta Monon

From Wikfilipino
Revision as of 17:23, 24 June 2021 by Rclacuata (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Salinta Monon ay isa sa mga Manlilikha ng Sining na pinagkalooban ng Gawad Manlilikha ng Bayan o GAMABA. Kilala siya paghahabi ng telang Bagobo-Tagabawa. Itinanghal siya bilang Manlilikha ng Bayan noong 1998, at kilala bilang huling manghahabing Bagobo.

Talambuhay

ipinanganak si Monon noong ika-12 ng Disyembre 1920 at lumaki sa Bansalan sa Davao del Sur. Natutunan niya ang paghahabi ng ikat mula sa kaniyang ina. Nagpaturo siya kung paano maghabi sa edad na 12 at natuto sa loob lamang ng ilang buwan. Inaabot siya ng nasa tatlo hanggang apat na buwan para matapos ang paghahabi ng tela na maaring gamitin bilang damit. Ang paborito siyang disenyo ay ang binuwaya na sinasabing isa sa mga pinakamahirap na gawing disenyo.

Dahil sa kaniyang reputasyon bilang isang manghahabi, malaki ang dote na ibinigay ni Agton Monon, isang magsasaka, para mapakasalan si Salinta. Ikinasal ang dalawa noong ika-4 ng Hulyo, 1946 at nagkaroon ng anim na anak. Inako ni Salinta ang pangangalaga sa kanilang sakahan nang mamatay ang asawa niya noong dekada 70.

Iginawad sa kaniya ang Gawad Manlilikha ng Bayan noong 1998. Namatay si Monon noong ika-4 ng Hunyo, 2009.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.