Rolex 12
Tinawag na Rolex 12 ang grupo na binubuo ng 12 sa pinakamalapit at pinakamakapangyarihang tao sa likod ni Pangulong Ferdinand Marcos noong panahon ng pagpapatupad ng Batas Militar mula 1972 hanggang 1981. Sa lakas ng impluwensiya at kapangyarihan ng mga miyembro ng Rolex 12, itinuturing silang ekstensiyon ni Marcos.
Sa huling mga taon ng kaniyang ikalawang termino bilang pangulo ng Pilipinas, nakipagsabwatan si Marcos sa mga pinunong militar at ng Philippine Constabulary para manatili sa kapangyarihan kapag isinailalim ang bansa sa batas militar. Matapos ang deklarasyon ng martial law noong 1972, binigyan ni Marcos ng kapangyarihan ang militar at pulisya.
Itinuturong responsable sa iba't ibang pang-aabuso sa karapatang pantao ang mga miyembro ng Rolex 12.
Sinasabing nanggaling ang pangalan ng grupo sa tatak ng relong iniregalo sa kanila ni Marcos, bagama't hindi pa napapatunayan ito. Sinasabing ordinaryong mga relo lamang ang natanggap ng 12 miyembro, at hindi Rolex watches tulad ng karaniwang pinaniniwalaan. Marami sa kanila ang tumakas kasama ni Marcos noong 1986.
Mga Miyembro
- Tomas Diaz - Philippine Constabulary
- Juan Ponce Enrile - Minister of Defense
- Romeo Espino - Chief of Staff
- Romeo Gatan - Philippine Constabulary
- Alfredo Montoya - Philippine Constabulary
- Ignacio paz - Philippine Army
- Fidel Ramos - Philippine Constabulary
- Jose Rancudo - Philippine Air Force
- Hilario Ruiz - Philippine Navy
- Rafael Zagala - Philippine Army
- Fabian Ver - National Intelligence Security Authority
- Eduardo "Danding" Cojuangco
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |