Rey Saludar

From Wikfilipino
Revision as of 00:15, 5 January 2021 by Damarante (talk | contribs) (Created page with "Si '''Rey Saludar''' (ipinanganak noong 12 Nobyembre 1897) ay isang boksingero na kumatawan sa Pilipinas sa 2010 Asian Games sa Guangzhou, Tsina kung saan kaniyang nakamit...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Rey Saludar (ipinanganak noong 12 Nobyembre 1897) ay isang boksingero na kumatawan sa Pilipinas sa 2010 Asian Games sa Guangzhou, Tsina kung saan kaniyang nakamit ang gintong medalya sa flyweight division sa boksing. Siya ay ang nakatatandang kapatid ni Victorio Saludar III na nanalo ng tansong medalya sa light flyweight division ng boksing sa nasabing palaro.

Pagsabak sa Asian Games

Ang gintong medalya ni Saludar ang kaniyang pinakamalaking tagumpay sa kaniyang karera bilang pambansang atleta. Sa laban para sa gintong medalya, kaniyang pinatumba si Chang Yong ng Tsina sa ikatlong round. Bagama't napatumba niya ang kaniyang kalaban, maliit lamang ang lamang ni Saludar sa talaan ng iskor, 13-11.

Bago niya nakamit ang gintong medalya, pinatumba ni Saludar ang mga kalabang sina Kinley Gyeltshen ng Bhutan, Puran Rai ng Nepal, at Katsuaki Susa ng Hapon.

Naunang mga tagumpay

Bago ang Asian Games, nanalo si Saludar ng gintong medalya sa ika-31 Tammer Cup na ginanap Tampere, Finland noong Oktubre 2010. Noong Disyembre 2009 naman ay napanalunan niya ang tansong medalya sa Southeast Asian Games sa Vientiane, Laos. Nakamit din niya ang gintong medalya sa National Open Championships sa parehong taon.

Naisama si Saludar sa pambansang koponan noong 24 Agosto 2006.

Kasaysayan

Tubong Polomolok, Timog Cotabato, nag-umpisa si Saludar na sumabak sa boksing sa edad na 13 noong 2001 sa tulong na kaniyang coach na si Ramon Vicente. Ang kaniyang ama ay si Victorio Saludar, Jr., isang magsasaka, at ang kaniyang ina ay si Vevincia Saludar.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Kategorya:Boksing Kategorya:Isports