Rey Langit

From Wikfilipino
Revision as of 06:02, 20 March 2021 by Daidlisan (talk | contribs) (Created page with "Si '''Reynante "Rey" Langit''' (ipinanganak noong 20 Setyembre 1948) ay isang Pilipinong brodkaster at kasalukuyang tumatakbo sa senado sa Pangkalahatang ha...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Reynante "Rey" Langit (ipinanganak noong 20 Setyembre 1948) ay isang Pilipinong brodkaster at kasalukuyang tumatakbo sa senado sa halalan 2010 sa ilalim ng partidong Lakas-Kampi-CMD.

Talambuhay

Ipinanganak si Langit sa Pampanga. Nakapagtapos siya ng elementarya sa Mababang Paaralan ng F.G. Calderon sa Maynila, isang pampublikong paaralan. Nag-aral siya ng sekondarya sa Manuel L. Quezon University sa kanyang unang taon at tinapos niya ang ikalawa hanggang ikaapat na taon sa Far Eastern University Boys High School. Sa kolehiyo, nagtrabaho siya upang matustusan ang kanyang pag-aaral. Nakapagtapos siya ng kursong kumersiyo sa Far Eastern University. Nakapagtapos din siya ng dalawang taon sa abogasya.

Si Langit ay naging direktor ng Order of Parliamentarians Confraternity; pangulo rin siya ng IABF Banking Association; modelong kadete at opisyal ng ROTC; tinaguriang "undisputed Duplo King"; presidente ng FEU Philippine Cultural Performmance Arts Group; miyembro ng Rho Omega Tau Fraternity; at direktor ng FEU Progressive Party.

Si Langit at ang asawa niyang si Ester Dino ay biniyayaan ng dalawang anak na sina Reyster, isang mamahayag na binawian ng buhay noong Hunyo 3, 2005 dahil sa sakit sa puso at malaria; at si JR na isa ring mamahayag.

Karera

Nagsimula si Langit na magtrabaho bilang tagasulat ng balita para sa radyo noong taong 1964 hanggang sa siya ay naging field reporter. Isa siya sa mga unang empleyado sa Radyo Patrol ng ABS-CBN. Naging anchor siya ng balita sa istasyon ng radyo na DZRH kung saan pinasikat niya ang terminong "People Power" para ilarawan ang mapayapang rebolusyon noong 1986.

Si Langit ang naging Chairman ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa dibisyon nito sa Metro Manila. Mahigit sampung taon siyang nanilbihan bilang chairman. Naging bise presidente siya ng Aliw Broadcasting Corporation; tagapamahala sa istasyon ng radyo na DWIZ 882 AM; at chairman ng CEMG (Event Specialists) at HIP TV Inc.

May programa sa radyo si Langit na araw-araw siyang nagtatalakay ng iba't ibang isyu at may programa din siya linggu-lingo sa National Broadcasting Network 4 (NBN 4). Siya ang pangunahing tagapagtalakay sa mga programang "Kasangga Mo ang Langit" at "Biyaheng Langit" na ipinalalabas sa IBC 13 sa telebisyon. Ang dalawang programa ay maririnig din sa radyo sa istasyong DWIZ 882kHz AM.

Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang tagapagbalita sa programang Teledyaryo kasama si Angelique Lazo at Aljo Bendijo sa NBN.

Si Langit ang pinakaunang Pilipinong broadcast journalist na nakapag-interbyu ng limang pinuno ng bansa kasama ang pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama.

Mga Parangal

  • Journalism Awardee (tatlong ulit), Radio Broadcast Journalist of the Year, Rotary Club of Manila Journalism Awards
  • Ka Doroy Broadcaster of the Year
  • KBP Golden Dove Awards, 2004
  • Walong Catholic Mass Media Awards trophy, kasama ang Hall of Fame Award para sa programang "To Saudi With Love."

Sanggunian

  • Rey Langit (Inakses noong 18 Marso 2010)
  • Rey Langit Pinoyvote.info (Inakses noong 18 Marso 2010)
  • The Voice Kasanggamoanglangit.com (Inakses noong 18 Marso 2010)

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.