Difference between revisions of "Rebolusyon ng mga Pilipino"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
(Created page with "Ang '''rebolusyon''', tinatawag ding '''himagsikan''', ay tumutukoy sa [http://diksiyonaryo.ph/search/himagsikan#himagsikan “pagbabago sa pamahalaan o pamamahala sa pamamagi...")
 
Line 4: Line 4:
  
 
== Pag-aalsa ni Tamblot (1621–1622) ==
 
== Pag-aalsa ni Tamblot (1621–1622) ==
Si Tamblot ay isang punong babaylan sa Bohol na humikayat sa mga katutubo na magbalik-loob sa kanilang sinaunang pananampalataya. Mahigit 2,000 Boholano ang nahikayat niyang makiisa sa pag aalsa. Nang malaman ng mga pinunong Espanyol, na noon ay nasa Cebu upang makiisa sa kapistahan ni St. Xavier, agad silang nagpadala ng 50 sundalong Espanyol at 1,000 Cebuanong sundalo sa Bohol. Hindi nagtagal, natalo si Tamblot at ang kaniyang mga kasamahan.<ref>Phillip Y. Kimpo Jr., ed. Virgilio S. Almario. “Tamblot.” ''2000 Sagisag Kultura ng Filipinas Edisyong Agosto 2013''. Quezon City: Filipinas Institute of Translation, Inc. PDF.</ref>
+
Si [[Tamblot]] ay isang punong babaylan sa Bohol na humikayat sa mga katutubo na magbalik-loob sa kanilang sinaunang pananampalataya. Mahigit 2,000 Boholano ang nahikayat niyang makiisa sa pag aalsa. Nang malaman ng mga pinunong Espanyol, na noon ay nasa Cebu upang makiisa sa kapistahan ni St. Xavier, agad silang nagpadala ng 50 sundalong Espanyol at 1,000 Cebuanong sundalo sa Bohol. Hindi nagtagal, natalo si Tamblot at ang kaniyang mga kasamahan.<ref>Phillip Y. Kimpo Jr., ed. Virgilio S. Almario. “Tamblot.” ''2000 Sagisag Kultura ng Filipinas Edisyong Agosto 2013''. Quezon City: Filipinas Institute of Translation, Inc. PDF.</ref>
  
 
== Pag-aalsa ni Maniago (1660–1661) ==
 
== Pag-aalsa ni Maniago (1660–1661) ==
Si Don Francisco Maniago ang nanguna sa pag-aalsa sa Pampanga laban sa mga Espanyol. Kasama ang mga katutubo, tinutulan nila ang ''polo y servicio'' (sapilitang pagtatrabaho) at ang sistemang bandala kung saan sapilitang bibilhin o kukunin ng pamahalaan ang mga ani ng mga magsasaka. Sinunog nila ang mga bahay ng mga Espanyol. Sinara din nila ang mga ilog upang mahinto ang komersiyo. Nagpadala rin sila ng liham sa mga katutubo sa Pangasinan at Ilocos upang hikayating umanib sa pag-aalsa. Pinilit ni Maniago ang pamahalaang Espanyol na ipawalang-sala ang mga rebelde at magbayad ng 14,000 libong piso bilang inisyal na kabayaran sa utang ng pamahalaan. Ang pag-aalsang ito ay nagtagumpay.<ref>Mike Pangilinan. “The Maniago Revolt.” Watawat, <nowiki>http://www.watawat.net/the_maniago_revolt.html</nowiki>. Accessed 1 Marso 2021. </ref>
+
Si Don [[Francisco Maniago]] ang nanguna sa pag-aalsa sa Pampanga laban sa mga Espanyol. Kasama ang mga katutubo, tinutulan nila ang ''polo y servicio'' (sapilitang pagtatrabaho) at ang sistemang bandala kung saan sapilitang bibilhin o kukunin ng pamahalaan ang mga ani ng mga magsasaka. Sinunog nila ang mga bahay ng mga Espanyol. Sinara din nila ang mga ilog upang mahinto ang komersiyo. Nagpadala rin sila ng liham sa mga katutubo sa Pangasinan at Ilocos upang hikayating umanib sa pag-aalsa. Pinilit ni Maniago ang pamahalaang Espanyol na ipawalang-sala ang mga rebelde at magbayad ng 14,000 libong piso bilang inisyal na kabayaran sa utang ng pamahalaan. Ang pag-aalsang ito ay nagtagumpay.<ref>Mike Pangilinan. “The Maniago Revolt.” Watawat, <nowiki>http://www.watawat.net/the_maniago_revolt.html</nowiki>. Accessed 1 Marso 2021. </ref>
  
 
== Pag-aalsa ni Sumuroy (1649–1650) ==
 
== Pag-aalsa ni Sumuroy (1649–1650) ==
Si Sumuroy ay katutubo mula sa Palapag, Samar. Hinikayat niya ang mga kasamahan na mag-alsa bilang pagtutol sa sapilitang pagpapadala sa kanila sa Cavite upang gumawa ng mga galeon. Ang pangkat ni Sumuroy ay nagtagumpay ng ilang ulit ngunit natalo nang bigla silang lusubin ng mga Espanyol at Pilipinong sundalo. Si Sumuroy ay pinatay at pinugutan ng ulo. Ang pag-aalsa ay nagtagal ng isang taon.<ref>Phillip Y. Kimpo Jr., ed. Virgilio S. Almario. “Sumuroy.” ''2000 Sagisag Kultura ng Filipinas Edisyong Agosto 2013''. Quezon City: Filipinas Institute of Translation, Inc. PDF.</ref>
+
Si [[Sumuroy]] ay katutubo mula sa Palapag, Samar. Hinikayat niya ang mga kasamahan na mag-alsa bilang pagtutol sa sapilitang pagpapadala sa kanila sa Cavite upang gumawa ng mga galeon. Ang pangkat ni Sumuroy ay nagtagumpay ng ilang ulit ngunit natalo nang bigla silang lusubin ng mga Espanyol at Pilipinong sundalo. Si Sumuroy ay pinatay at pinugutan ng ulo. Ang pag-aalsa ay nagtagal ng isang taon.<ref>Phillip Y. Kimpo Jr., ed. Virgilio S. Almario. “Sumuroy.” ''2000 Sagisag Kultura ng Filipinas Edisyong Agosto 2013''. Quezon City: Filipinas Institute of Translation, Inc. PDF.</ref>
  
 
== Pag-aalsa ni Diego Silang (1762–1763) ==
 
== Pag-aalsa ni Diego Silang (1762–1763) ==
Si Diego Silang ay humiling na ipawalang-bisa ang tributo o ang pagbabayad ng buwis. Naipababa niya sa puwesto ang pinuno ng bayan kasama ang mga abusadong Espanyol sa Vigan, Ilocos Sur. Sa kasamaangpalad, pinagtaksilan siya ng malalapit na kaibigan na sina Miguel Vicos at Pedro Becbec, at siya ay pinatay. Ipinagpatuloy ng kaniyang asawa na si Gabriela Silang ang pag-aalsa. Nang madakip si Gabriela at ang kaniyang mga tauhan, sila ay binitay rin.<ref>Phillip Y. Kimpo Jr., Virgilio S. Almario. “Gabriela Silang.” ''2000 Sagisag Kultura ng Filipinas Edisyong Agosto 2013''. Quezon City: Filipinas Institute of Translation, Inc. PDF.</ref>
+
Si [[Diego Silang]] ay humiling na ipawalang-bisa ang tributo o ang pagbabayad ng buwis. Naipababa niya sa puwesto ang pinuno ng bayan kasama ang mga abusadong Espanyol sa Vigan, Ilocos Sur. Sa kasamaangpalad, pinagtaksilan siya ng malalapit na kaibigan na sina Miguel Vicos at Pedro Becbec, at siya ay pinatay. Ipinagpatuloy ng kaniyang asawa na si [[Gabriela Silang]] ang pag-aalsa. Nang madakip si Gabriela at ang kaniyang mga tauhan, sila ay binitay rin.<ref>Phillip Y. Kimpo Jr., Virgilio S. Almario. “Gabriela Silang.” ''2000 Sagisag Kultura ng Filipinas Edisyong Agosto 2013''. Quezon City: Filipinas Institute of Translation, Inc. PDF.</ref>
  
 
== Pag-aalsa ni Dagohoy (1744–1829) ==
 
== Pag-aalsa ni Dagohoy (1744–1829) ==
Si Dagohoy ay nagtatag ng malayang pamahalaan sa kabundukan kasama ang 20,000 tagasunod. Ang sanhi ng pag-aalsa ay ang pagtanggi ni Padre Gaspar Morales na bigyan ng Kristiyanong libing ang kaniyang namatay na kapatid. Ang pag-aalsa ay nagtagal ng 85 taon ngunit hindi ito naging matagumpay. Sa kabutihang-palad, ang mga rebelde ay pinawalang-sala. <ref>Phillip Y. Kimpo Jr., ed. Virgilio S. Almario. “Francisco Dagohoy.” ''2000 Sagisag Kultura ng Filipinas Edisyong Agosto 2013''. Quezon City: Filipinas Institute of Translation, Inc. PDF.</ref>
+
Si [[Francisco Dagohoy]] ay nagtatag ng malayang pamahalaan sa kabundukan kasama ang 20,000 tagasunod. Ang sanhi ng pag-aalsa ay ang pagtanggi ni Padre Gaspar Morales na bigyan ng Kristiyanong libing ang kaniyang namatay na kapatid. Ang pag-aalsa ay nagtagal ng 85 taon ngunit hindi ito naging matagumpay. Sa kabutihang-palad, ang mga rebelde ay pinawalang-sala. <ref>Phillip Y. Kimpo Jr., ed. Virgilio S. Almario. “Francisco Dagohoy.” ''2000 Sagisag Kultura ng Filipinas Edisyong Agosto 2013''. Quezon City: Filipinas Institute of Translation, Inc. PDF.</ref>
  
 
== Ang Pag-aalsa ng mga Katipunero (1896–1898) ==
 
== Ang Pag-aalsa ng mga Katipunero (1896–1898) ==
Nang lumaganap ang sipi ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal, naisiwalat ang korupsiyon ng mga Espanyol sa Maynila. Nagising ang pagiging nasyonalismo ng mga Pilipino. Higit pang nagpaalab sa pag-aalsa ang pagbitay kay Rizal sa Bagumbayan. Noong 7 Hulyo 1892, itinatag Andres Bonifacio ang isang lihim na samahang rebolusyonaryo—ang Katipunan. Ang rebolusyon ay sumiklab noong Agosto 1896 na may tinatayang 30,000 kasaping mga babae at lalaki.
+
Nang lumaganap ang sipi ng ''[[Noli Me Tangere]]'' at ''[[El Filibusterismo]]'' ni [[Jose Rizal]], naisiwalat ang korupsiyon ng mga Espanyol sa Maynila. Nagising ang pagiging nasyonalismo ng mga Pilipino. Higit pang nagpaalab sa pag-aalsa ang pagbitay kay Rizal sa Bagumbayan. Noong 7 Hulyo 1892, itinatag [[Andres Bonifacio]] ang isang lihim na samahang rebolusyonaryo—ang Katipunan. Ang rebolusyon ay sumiklab noong Agosto 1896 na may tinatayang 30,000 kasaping mga babae at lalaki.
  
Nang mapagbintangan si Bonifacio ng sedisyon, pinalitan siya sa puwesto ni Emilio Aguinaldo. Ang pamumuno ni Aguinaldo ay nagdulot ng mga serye ng pagtatagumpay at pagkatalo laban sa mga Espanyol. Kasama ang iba pang pinuno ng rebolusyon, ipinatapon sila sa Hong Kong. Matapos masalakay ng US Navy ang barkong pandigma ng mga Espanyol sa Manila Bay noong 1 Mayo 1898, si Aguinaldo ay agad na nagbalik sa Pilipinas.<ref>Virgilio S. Almario. “Himagsikang 1896.” ''2000 Sagisag Kultura ng Filipinas Edisyong Agosto 2013''. Quezon City: Filipinas Institute of Translation, Inc. PDF.</ref>
+
Nang mapagbintangan si Bonifacio ng sedisyon, pinalitan siya sa puwesto ni [[Emilio Aguinaldo]]. Ang pamumuno ni Aguinaldo ay nagdulot ng mga serye ng pagtatagumpay at pagkatalo laban sa mga Espanyol. Kasama ang iba pang pinuno ng rebolusyon, ipinatapon sila sa Hong Kong. Matapos masalakay ng US Navy ang barkong pandigma ng mga Espanyol sa Manila Bay noong 1 Mayo 1898, si Aguinaldo ay agad na nagbalik sa Pilipinas.<ref>Virgilio S. Almario. “Himagsikang 1896.” ''2000 Sagisag Kultura ng Filipinas Edisyong Agosto 2013''. Quezon City: Filipinas Institute of Translation, Inc. PDF.</ref>
  
 
== Mga Sanggunian ==
 
== Mga Sanggunian ==
 +
<references />{{WikiFilipino Nilalaman}}
 +
[[Category:Aklas]]
 +
[[Category:Quincentenario]]
 +
[[Category:Bayaning Pilipino]]
 +
[[Category:Kasaysayan]]

Revision as of 14:47, 1 March 2021

Ang rebolusyon, tinatawag ding himagsikan, ay tumutukoy sa “pagbabago sa pamahalaan o pamamahala sa pamamagitan ng nagkakaisang pagkilos ng taumbayan.” Sa Pilipinas, higit itong ginagamit upang ilarawan ang armadong paglaban ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga mananakop na Espanyol.

Sa mga panahong iyon, iba’t ibang pag-aalsa ang naganap sa Pilipinas dahil sa hindi makataong pagtrato sa mga Pilipino at sa mabagal na pag-unlad ng ekonomiya. Narito ang ilan sa mga pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa pamahalaang kolonyal.

Pag-aalsa ni Tamblot (1621–1622)

Si Tamblot ay isang punong babaylan sa Bohol na humikayat sa mga katutubo na magbalik-loob sa kanilang sinaunang pananampalataya. Mahigit 2,000 Boholano ang nahikayat niyang makiisa sa pag aalsa. Nang malaman ng mga pinunong Espanyol, na noon ay nasa Cebu upang makiisa sa kapistahan ni St. Xavier, agad silang nagpadala ng 50 sundalong Espanyol at 1,000 Cebuanong sundalo sa Bohol. Hindi nagtagal, natalo si Tamblot at ang kaniyang mga kasamahan.[1]

Pag-aalsa ni Maniago (1660–1661)

Si Don Francisco Maniago ang nanguna sa pag-aalsa sa Pampanga laban sa mga Espanyol. Kasama ang mga katutubo, tinutulan nila ang polo y servicio (sapilitang pagtatrabaho) at ang sistemang bandala kung saan sapilitang bibilhin o kukunin ng pamahalaan ang mga ani ng mga magsasaka. Sinunog nila ang mga bahay ng mga Espanyol. Sinara din nila ang mga ilog upang mahinto ang komersiyo. Nagpadala rin sila ng liham sa mga katutubo sa Pangasinan at Ilocos upang hikayating umanib sa pag-aalsa. Pinilit ni Maniago ang pamahalaang Espanyol na ipawalang-sala ang mga rebelde at magbayad ng 14,000 libong piso bilang inisyal na kabayaran sa utang ng pamahalaan. Ang pag-aalsang ito ay nagtagumpay.[2]

Pag-aalsa ni Sumuroy (1649–1650)

Si Sumuroy ay katutubo mula sa Palapag, Samar. Hinikayat niya ang mga kasamahan na mag-alsa bilang pagtutol sa sapilitang pagpapadala sa kanila sa Cavite upang gumawa ng mga galeon. Ang pangkat ni Sumuroy ay nagtagumpay ng ilang ulit ngunit natalo nang bigla silang lusubin ng mga Espanyol at Pilipinong sundalo. Si Sumuroy ay pinatay at pinugutan ng ulo. Ang pag-aalsa ay nagtagal ng isang taon.[3]

Pag-aalsa ni Diego Silang (1762–1763)

Si Diego Silang ay humiling na ipawalang-bisa ang tributo o ang pagbabayad ng buwis. Naipababa niya sa puwesto ang pinuno ng bayan kasama ang mga abusadong Espanyol sa Vigan, Ilocos Sur. Sa kasamaangpalad, pinagtaksilan siya ng malalapit na kaibigan na sina Miguel Vicos at Pedro Becbec, at siya ay pinatay. Ipinagpatuloy ng kaniyang asawa na si Gabriela Silang ang pag-aalsa. Nang madakip si Gabriela at ang kaniyang mga tauhan, sila ay binitay rin.[4]

Pag-aalsa ni Dagohoy (1744–1829)

Si Francisco Dagohoy ay nagtatag ng malayang pamahalaan sa kabundukan kasama ang 20,000 tagasunod. Ang sanhi ng pag-aalsa ay ang pagtanggi ni Padre Gaspar Morales na bigyan ng Kristiyanong libing ang kaniyang namatay na kapatid. Ang pag-aalsa ay nagtagal ng 85 taon ngunit hindi ito naging matagumpay. Sa kabutihang-palad, ang mga rebelde ay pinawalang-sala. [5]

Ang Pag-aalsa ng mga Katipunero (1896–1898)

Nang lumaganap ang sipi ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal, naisiwalat ang korupsiyon ng mga Espanyol sa Maynila. Nagising ang pagiging nasyonalismo ng mga Pilipino. Higit pang nagpaalab sa pag-aalsa ang pagbitay kay Rizal sa Bagumbayan. Noong 7 Hulyo 1892, itinatag Andres Bonifacio ang isang lihim na samahang rebolusyonaryo—ang Katipunan. Ang rebolusyon ay sumiklab noong Agosto 1896 na may tinatayang 30,000 kasaping mga babae at lalaki.

Nang mapagbintangan si Bonifacio ng sedisyon, pinalitan siya sa puwesto ni Emilio Aguinaldo. Ang pamumuno ni Aguinaldo ay nagdulot ng mga serye ng pagtatagumpay at pagkatalo laban sa mga Espanyol. Kasama ang iba pang pinuno ng rebolusyon, ipinatapon sila sa Hong Kong. Matapos masalakay ng US Navy ang barkong pandigma ng mga Espanyol sa Manila Bay noong 1 Mayo 1898, si Aguinaldo ay agad na nagbalik sa Pilipinas.[6]

Mga Sanggunian

  1. Phillip Y. Kimpo Jr., ed. Virgilio S. Almario. “Tamblot.” 2000 Sagisag Kultura ng Filipinas Edisyong Agosto 2013. Quezon City: Filipinas Institute of Translation, Inc. PDF.
  2. Mike Pangilinan. “The Maniago Revolt.” Watawat, http://www.watawat.net/the_maniago_revolt.html. Accessed 1 Marso 2021.
  3. Phillip Y. Kimpo Jr., ed. Virgilio S. Almario. “Sumuroy.” 2000 Sagisag Kultura ng Filipinas Edisyong Agosto 2013. Quezon City: Filipinas Institute of Translation, Inc. PDF.
  4. Phillip Y. Kimpo Jr., Virgilio S. Almario. “Gabriela Silang.” 2000 Sagisag Kultura ng Filipinas Edisyong Agosto 2013. Quezon City: Filipinas Institute of Translation, Inc. PDF.
  5. Phillip Y. Kimpo Jr., ed. Virgilio S. Almario. “Francisco Dagohoy.” 2000 Sagisag Kultura ng Filipinas Edisyong Agosto 2013. Quezon City: Filipinas Institute of Translation, Inc. PDF.
  6. Virgilio S. Almario. “Himagsikang 1896.” 2000 Sagisag Kultura ng Filipinas Edisyong Agosto 2013. Quezon City: Filipinas Institute of Translation, Inc. PDF.

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.