Randy Valiente

From Wikfilipino
Revision as of 08:04, 25 March 2021 by Daidlisan (talk | contribs) (Created page with "Si '''Randy P. Valiente''' ay isang Pilipinong dibuhista at manunulat na nagsimula noong 1988 sa edad na labing-apat at naging ganap na manunulat noong 1995....")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Randy P. Valiente ay isang Pilipinong dibuhista at manunulat na nagsimula noong 1988 sa edad na labing-apat at naging ganap na manunulat noong 1995. Produkto siya ng pagtuturo ni Hal Santiago, isa sa mga tanyag na ilustrador ng komiks sa Pilipinas.

Nakapaglathala siya ng mga artikulo at kwento para sa komiks, pocketbooks, mga dyaryo at magasin, sa radyo at teatro. Siya ay nagwagi ng ibat ibang mga parangal at nagtamo ng pagkilalang "Novelist of the Year" at "Best Playwright". Nagsagawa rin ng palihan si Valiente ukol sa dynamic human figure drawing, panimulang pagguhit para sa komiks, at pagsusulat ng nobela.

Sa kanyang akdang Pambalot ng Tinapa (Isang Pagtanaw sa Komiks ng Pilipino), tinalakay niya ang kabuuang kasaysayan ng industriya ng komiks, ang mga manunulat sa likod ng mga katangi-tanging kwento, ang kanyang mga karanasan at mga natututunan mula sa kanyang gabay (mentor), at ang kanyang pagsusulong na panatilihin ang naghihingalong industriya ng komiks sa Pilipinas.

Sanggunian

Panlabas na Kawing

Ang artikulong ito ay isang katiting. Tumulong sa WikiFilipino na palawakin ito.==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.