Difference between revisions of "Raha Humabon"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
 
Line 22: Line 22:
 
* Field, Richard J. “Revisiting Magellan’s Voyage to the Philippines.” ''Philippine Quarterly of Culture and Society'', December 2006, Vol. 34, No. 4 (December 2006), pp. 313-337. University of San Carlos Publications.
 
* Field, Richard J. “Revisiting Magellan’s Voyage to the Philippines.” ''Philippine Quarterly of Culture and Society'', December 2006, Vol. 34, No. 4 (December 2006), pp. 313-337. University of San Carlos Publications.
 
* Ruaya, Rhobie Alburo. “Interesting facts about the Philippines’ first hero and the battle that he led to victory.” ''Cebu Daily News'', 27 Abril 2020. <nowiki>https://cebudailynews.inquirer.net/305850/interesting-facts-about-the-philippines-first-hero-and-the-battle-that-he-led-to-victory</nowiki>. Accessed 15 Pebrero 2021.
 
* Ruaya, Rhobie Alburo. “Interesting facts about the Philippines’ first hero and the battle that he led to victory.” ''Cebu Daily News'', 27 Abril 2020. <nowiki>https://cebudailynews.inquirer.net/305850/interesting-facts-about-the-philippines-first-hero-and-the-battle-that-he-led-to-victory</nowiki>. Accessed 15 Pebrero 2021.
 +
{{WikiFilipino Nilalaman}}
 
[[Category:Quincentenario]]
 
[[Category:Quincentenario]]
 
[[Category:Kasaysayan]]
 
[[Category:Kasaysayan]]
 
[[Category:Makasaysayang Tao]]
 
[[Category:Makasaysayang Tao]]
 
[[Category:Panahon ng mga Espanyol]]
 
[[Category:Panahon ng mga Espanyol]]
 +
[[Category:Pamahalaan at Politika]]

Latest revision as of 14:41, 23 February 2021

Si Raha Humabon ang pinuno o rajah ng Cebu na kinaibigan ng manlalakbay na Espanyol na si Ferdinand Magellan na agad ring nagpabinyag bilang Kristiyano. Siya ay bininyagan bilang Don Carlos (hango sa pangalan ng Hari ng Espanya na si Haring Carlos) at ang kaniyang asawang Hara Humamay bilang Reyna Juana (mula kay Reyna Joanna ng Castille), kasama ng iba pa nilang alagad at nasasakupan.

Si Humabon ay ang karibal ni Lapulapu, ang magiting na datu ng kalapit-bayan ng Mactan na nakipaglaban at pinaniniwalaang nakapatay kay Magellan.

Engkuwentro kay Magellan

Noong Abril 1521, si Magellan at ang kaniyang armada ay dumaong sa isla ng Cebu. Ito ang kanilang unang pakikipag-ugnayan sa mga katutubong Pilipino. Noong 14 Abril 1521, bininyagan si Humabon, ang pinuno ng Cebu noong panahong iyon, kasama ng kaniyang asawa na si Hara Humamay, at kanilang mga alagad at nasasakupan. Siya ay binigyan ng pangalang “Don Carlos” (hango sa pangalan ng Espanyol na si Haring Carlos) habang si Hara Humamay bilang Reyna Juana (mula kay Joanna ng Castille). Dahil dito, ipinroklama ni Magellan ang pagkakaisa ng mga kaharian sa isla ng Cebu at hinirang si Humabon bilang pinuno ng estado.

Sina Humabon at Lapulapu

Sina Humabon ng Cebu at Lapulapu ng Mactan ay dati nang magkaribal bago pa man dumating si Magellan ngunit hindi ito agresibo at hayag. Higit na nag-alab ang sama ng loob ni Lapulapu kay Humabon matapos itong magpabinyag sa mga mananakop. Itinalaga rin si Humabon bilang kinatawan ng Pilipinas sa Espanya kung saan kailangang magbigay ng pagpupugay at katapatan. Nang pumunta si Magellan sa Mactan upang harapin si Lapulapu, nagpadala si Humabon ng dalawang bangkang punô ng mga sundalo upang samahan ang armada ni Magellan. Ito ay ikinagalit ni Lapulapu.

Brutal na Pagpatay noong Mayo 1

Nang mapatay si Magellan sa Labanan sa Mactan, sina Humabon at ang kaniyang mga mandirigma ay nagplanong lasunin at patayin ang mga natitirang sundalong Espanyol sa Cebu. Nagtagumpay sila sa kanilang plano at napatay nila ang mga natitirang sundalong Espanyol kasama ang mga pinuno ng ekspedisyon na sina Duarte Barbosa at João Serrão.

Cebuanong Alamat: Pag-aayos ng Dalawang Raha

Matapos ang mahabang panahon mula nang mapatay ni Lapulapu si Magellan, matindi ang naging tensiyon sa pagitan ng dalawang pinuno. Isang malakas na bagyo ang tumama sa Mactan at Cebu at nagdulot ng matinding sakuna sa mga katutubo. Kahit matindi ang dinanas na pagkawasak ng Cebu, pinili nina Haring Carlos at Reyna Juana na sumakay ng bangka at sadyain ang Mactan upang makita ang kalagayan nito. Ayon sa alamat, dala-dala ni Reyna Juana ang imahen ng Santo Niño na ibinigay sa kaniya ni Magellan dahil sa paniniwalang may milagrosong kapangyarihan ito. Nang nililibot nila ang nakalubog na Isla ng Mactan, nagulat sila nang makitang unti-unting natutuyo ang isla at umaangat ito mula sa pagkalubog.

Sina Humabon, Lapulapu, at Juana ay namangha sa kanilang nasaksihang milagro. Dahil sa pangyayari, napaniwala si Lapulapu sa kapangyarihang taglay ng “banal na sanggol.”

Mga Sanggunian

  • Joaquin, Nick. “Lapu-Lapu and Humabon: The Filipino As Twins.” Philippine Quarterly of Culture and Society, March-June 1979, Vol. 7, No. 1/2 (March-June 1979), pp. 51-58. University of San Carlos Publications.
  • Field, Richard J. “Revisiting Magellan’s Voyage to the Philippines.” Philippine Quarterly of Culture and Society, December 2006, Vol. 34, No. 4 (December 2006), pp. 313-337. University of San Carlos Publications.
  • Ruaya, Rhobie Alburo. “Interesting facts about the Philippines’ first hero and the battle that he led to victory.” Cebu Daily News, 27 Abril 2020. https://cebudailynews.inquirer.net/305850/interesting-facts-about-the-philippines-first-hero-and-the-battle-that-he-led-to-victory. Accessed 15 Pebrero 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.