Difference between revisions of "Portal: Quincentenario"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Line 28: Line 28:
 
|footertext=
 
|footertext=
 
|wrapper-Margin=1em 0 0 0
 
|wrapper-Margin=1em 0 0 0
|wrapper-Padding=.5em
 
 
|header-SpaceAbove=1px
 
|header-SpaceAbove=1px
 
|header-SpaceBelow=0em
 
|header-SpaceBelow=0em

Revision as of 01:35, 2 March 2021

Quincentenario: Quincentennial Commemoration in the Philippines 1521-2021
Paggunita sa ika-500 Anibersaryo ng Tagumpay ng Mactan at ng Pilipinas sa Unang Sirkumnabegasyon ng Mundo (1521–2021)

Tampok na Artikulo

edit

Ngayong 2021, ipinagdiriwang ang “Quincentennial Commemoration in the Philippines” kung saan ginugunita ang ilan sa mahahalagang pangyayari noong 1521. Ito ay pinapangasiwaan ng National Quincentennial Committee (NQC, na nilikha sa ilalim ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 55, s. 2018.) Ilan sa mga pangunahing pagdaraos ay ang ika-500 anibersaryo ng pagtatagumpay sa Labanan sa Mactan at ang pagiging bahagi ng Pilipinas sa unang sirkumnabegasyon ng mundo. Pinangungunahan naman ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP o Kapulungan ng mga Katolikong Obispo sa Pilipinas) ang pagdiriwang ng anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Láyon ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 103, (s. 2020) na ipagbunyi ang unang paglalakbay sa palibot ng mundo na nakasentro sa pananaw ng mga Pilipino; ang kabutihang-loob ng mga katutubong Pilipino na tumulong sa manlalayag na si Ferdinand Magellan at mga tauhan nito; at ang kagitingan ng mga mandirigma ng Mactan na nagsilbing inspirasyon sa mga bayani at mga martir na nagsakripisyo upang maitatag ang isang malayang Pilipinas.

Basahin pa...

Tampon na Video

edit


Tunghayan sa maikling video na ito na handog ng Vibal Foundation ang tungkol sa makasaysayang hangarin ng Portuges na si Ferdinand Magellan—ang unang sirkumnagegasyon sa mundo na sinimulan niya noong 1519. Naging layunin ni Magellan na hanapin ang pakanlurang ruta papunta sa Muluku o Spice Islands para sa Espanya. Gayunman, noong 1521 ay napadpad ang kaniyang grupo sa Pilipinas. Ang pagdating niya sa kapuluan ay hudyat ng malaking pagbabago sa Pilipinas at sa Espanya.


Ang Quincentenario Portal

edit

Ang 1521 at 2021 ay pinagdurugtong ng mahahalagang talâ sa ating kasaysayan. Halina’t gunitain ang mga makasaysayang pangyayari sa Pilipinas na nagsimula sa tagumpay ng pangkat ni Lapulapu sa Labanan sa Mactan. Ang makasaysayang labanan at ang mga kasunod na pangyayari sa bansa ay bahagi ng unang sirkumnabegasyon ng mundo. Halina’t balikan ang nakaraan sa pagbabasa nito..