Portal: Halalan 2022

From Wikfilipino
Revision as of 07:36, 8 March 2022 by Vvargas (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search
Halalan 2022

Tampok na Artikulo

edit

Ang Halalan 2022 ay gaganapin sa 9 Mayo 2022, Lunes, para sa pambansa at panglokal na posisyon sa pamahalaan, sa parehong ehekutibo at lehislatibong sangay, maliban sa mga opisyal ng barangay. Kabilang sa mga pagbobotohan sa pambansang posisyon ay ang ipapalit sa kasalukuyang pangulo ng Pilipinas, Rodrigo Duterte, at pangalawang pangulo, Leni Robredo. Sakop din ng halalang ito ang sumusunod na posisyon: senador, kongresista, gobernador, bise gobernador, bokal, akalde, bise alkalde, at konsehal. Nakatakda rin sanang isabay sa halalang ito ang 80 posisyon sa Bangsamoro Parliament of the Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM), ngunit ito ay ipinagpaliban at nakatakda nang ganapin sa 2025.

Ang Halalan 2022 ang ika-17 halalang pampanguluhan sa [[Pilipinas|Pilipinas] mula 1935 at ikapitong sextennial (isang beses kada anim na taon) na halalang pampanguluhan mula 1986. Ang kasalukuyang pangulo ng bansa ay hindi na maaaring kumandidato sa pagkapangulo ayon sa Saligang Batas ng 1987. Gayunman, maaari siyang tumakbo sa ibang posisyon. Ang posisyon ng pangulo at pangalawang pangulo ay magkahiwalay na inihahalal kaya maaari silang magmula sa magkaibang partido.

Noong 25 Enero 2022, inilabas ng Komisyon sa Halalan ang opisyal na listahan sa balota ng mga kandidato sa pinakamatataas na posisyon. Sampung kandidato ang nakalista sa pagkapangulo at siyam sa pagkapangalawang pangulo. Samantala, 64 kandidato naman sa pagkasenador ang nakalista sa balota, at 12 lamang sa mga ito ang magwawagi para sa puwesto sa Senado.

Magbasa pa para sa karagdagang impormasyon: Halalan 2022

Tampok na Video

edit


Mga katanungan sa #Eleksyon 2022, sinagot ng COMELEC | The Mangahas Interviews


Introduksiyon

edit

Parang kahapon lamang, noong 2019, nang pumila at nakipagsiksikan tayo para bumoto— isang makabuluhang pagkilos na nagpapakita kung paano natin isinasabuhay ang ating karapatan, maging ang demokrasya. At marami na ang nangyari mula noon.

Kung ipinagbubunyi natin ang mga pagbabago na sa tingin natin ay may magagandang kinahinatnan o kaya ay nadismaya sa mga taong ating naihalal, tandaan na ang lahat ng ito ay bahagi na ng nakalipas. Ang dapat abangan at paghandaan ay kung ano ang magaganap sa 9 Mayo 2022 na tiyak na may malaking epekto sa kinabukasan ng ating bayan at ng ating mga anak. Ang pagboto, gayundin ang konsekuwensiya na kadikit nito, ay nasa kamay ng bawat isa.

Dahil dito, kami sa WikiFilipino ay may handog na espesyal na portal, ang HALALAN 2022. Hangad namin na makatulong ito sa pagbibigay ng tamang impormasyon hinggil sa nalalapit na halalan at makatulong sa mga mambabasa sa pagdedesisyon sa pagpili ng mga pinuno ng bansa. Gayunman, nais naming bigyang-diin na ang portal na ito ay hindi nilikha para sa diskurso o para sa mga panatiko. Hindi rin ito lunsaran ng propaganda. Wala rin kung sinomang politiko ang nasa likod nito. Ang mga nilalaman ng portal na ito—na karaniwang lathalain, bibliyograpiya, estandistika, datos, at pigura—ay maingat na sinaliksik at isinulat ng editorial team at mga kontributor gamit ang mga mapagkakatiwalaang sanggunian. Bagama’t hindi tiyak na posibleng hindi balanse ang saklaw ng mga nilalaman nito dahil sa mga nakalap na impormasyon, sinubukan namin na mailatag sa mga mambabasa ang mga impormasyon ayon sa bawat kahalagahan nito.

May kalayaan ang lahat na magbasa ng mga artikulo sa WikiFilipino. Paalala, protektahan ang iyong sarili sa mga maling impormasyon at pekeng balita.

Mga Kandidato sa Pagkapangulo

Mga Kandidato sa Pagkapangalawang Pangulo
Mga Kandidato sa Pagkasenador
Partido Politikal
Mag-click dito upang tingnan ang Listahan ng Paksa