Portal:Pista at Pagdiriwang

From Wikfilipino
Revision as of 09:13, 13 March 2021 by Gmallorca (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search
Ensiklopedya ng mga Pista at Pagdiriwang
Makisaya at Makilahok sa mga Pista at Pagdiriwang sa Pilipinas

Tampok na Artikulo

edit

Paggunita sa Aklasang Bayan sa EDSA noong2019.
Aklasang Bayan sa EDSA

Tumutukoy ang Aklasang Bayan sa EDSA, na kilala rin bilang EDSA People Power, sa mapayapang pag-aaklas ng laksa-laksang Filipino laban sa mapaniil na diktadura ni Pang. Ferdinand E. Marcos. Naging titis sa pag-aaklas ang kudeta nina Hen. Fidel V. Ramos, na ikalawang hepe de estado mayor, at Juan Ponce Enrile, na kalihim ng Tanggulang Pambansa—na sinuportahan ng panawagan ni Jaime Cardinal Sin sa taumbayan na pigilin ang napipintong madugong bakbakan ng mga sundalo doon sa Camp Crame at Camp Aguinaldo na malapit sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA). Nagsimula ang pag-aaklas noong gabi ng 21 Pebrero 1986 at nagwakas noong 25 Pebrero 1986 nang sapilitang isakay sa eroplano ng Amerikano ang pamilyang Marcos—bitbit ang daan-daang papeles, alahas, kagamitan, at di-mabilang na salapi—at idestiyero sa Hawai'i.


Tampok na Video

edit


Ang Mahal na Araw ay ang panahon ng paggunita at pagbabalik-loob ng mga Kristiyanong Filipino sa pinaniniwalaan nilang diyos na tagapagligtas na kinakatawan ni Hesukristo. Taon-taon, ipinagdiriwang ito ng mga Filipino upang palalimin ang kanilang pananampalataya, habang binubuhay ang mahabang tradisyon ng mga Kristiyano, gaya ng pag-aayuno at pamamanata. Nakikiisa ang mga Filipino sa ginawang pagpapakasakit ni Hesukristo para sa kaligtasan ng buong daigdig. Naniniwala sila na muling nabuhay si Hesukristo at magbabalik bilang patotoo sa mga ipinangaral nito sa kaniyang mga alagad at mananampalataya.


Portal ng Pista at Pagdiriwang

edit

Ang WikiFilipino ay naglalayong bumuo ng Portal ng Pista at Pagdiriwang upang magbigay ng malawak at buong sakop ng kaalaman tungkol sa mga nabanggit. Layon nitong ipakilala at ipakita kung paano magdiwang ang mga Pilipino. Layon din nitong ipagdiwang ang mga natatanging araw sa buhay ng mga natatanging indibidwal.

Itinatampok ng mga manunulat at editor ng WikiFilipino ang content outline na ito na may layong maibigay ang lahat sa abot ng aming makakaya. Ang content outline na ito ay dadaan sa masusing rebyu at proseso upang masiguro na makakamit nito ang mataas na pamantayan na sinusunod ng WikiPilipinas.

Kung nais ninyong makatulong sa pagbuo nito, maaari kayong magpadala ng liham sa gmallorca@vibalgroup.com.

Communities.svg
Pista
Communities.svg
Mga Pagdiriwang
Communities.svg
Institusyon
Mag-click dito upang tingnan ang Listahan ng Paksa