Por Telefono

From Wikfilipino
Revision as of 17:10, 24 June 2021 by Rclacuata (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Ang Por Telefono (By Phone) ay isang dula na sinulat ni Jose Rizal noong 1889. Paksa ng dula ang mga problemang panlipunan at mg plano para sa Pilipinas ng dalawang prayle.

Inilimbag ang dula bilang sagot sa isang prayleng si Fr. Salvador Font matapos ang kaniyang utos na ipagbawal ang Noli Me Tangere noong 1889. Unang nalimbag ang dula sa Barcelona sa ilalim ng pangalang "Dimas Alang".

Ang Por Telefono ay isang komedyang satira tungkol kay Padre Font, na nasa Madrid habang kausap ang isang pari sa Monasteryo ng San Agustin gamit ang telepono.

Puno ng simbolismo ang dula, kung saan inilalarawan ang pamumuhay ng mga prayle at kung paano sila magpasalamat sa mga donasyon ng mga ilustrado.

Mga Sanggunian

  • Ancheta, Celedonio A. Jose Rizal's Life and His Complete Works. Diliman, Quezon City: National Bookstore, Inc., 1977.
  • Zaide, Gregorio F. and Zaide, Sonia M. Jose Rizal: Life, works and Writings of a Genius, Writer, Scientist and a National Hero Second Edition, Quezon City, All Nations Publishing Co. Inc. 1999 xxxii, 438 pp; 22 cm

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.