Paulo Campos

From Wikfilipino
Revision as of 03:00, 26 March 2021 by Aabenoja (talk | contribs) (Created page with "Si '''Paulo C. Campos''' (19212007 ) ay kilala bilang ''Ama ng Medisinang Nukleyar''. Siya rin ay kilala dahil sa kanyang kontribusyon sa pananaliksik sa saki...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Paulo C. Campos (19212007 ) ay kilala bilang Ama ng Medisinang Nukleyar. Siya rin ay kilala dahil sa kanyang kontribusyon sa pananaliksik sa sakit na goiter. Siya ang utak sa pagkakatayo ng radioscope laboratory, research laboratory at klinika para sa goiter sa Pilipinas. Sa kanyang paglathala ng iba't-ibang sulatin ukol sa sakit na goiter, siya ay pinarangalan bilang Pambansang Siyentipiko noong 1988.

Ipinanganak siya sa Dasmariñas, Cavite noong Hulyo 27, 1921. Nakapagtapos siya ng pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1945, sa John Hopkins School of Medicine (1953), at sa Oakridge Institute of Medicine (1958).

Nakapagsilbi bilang Chairman ng National Research Council ng Pilipinas (1981-1984) at ng National Academy of Science and Technology (1978 - 1989).

Ang kanyang pag-aaral na pinamagatan niyang "The Genetic Factor in Endemic Goiter" ay naipresenta sa Lungsod ng Mexico na kung saan siya ay binigyan siya ng nominasyon ng International Atomic Energy Agency para sa isang Nobel Prize taong 1970.

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Paulo Campos. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.