Pastillas

From Wikfilipino
Revision as of 09:01, 12 March 2021 by Aabenoja (talk | contribs) (Created page with "Ang '''pastilyas''', kilala rin bilang '''Pastillas de Leche''' o '''Pastiyema''' ay uri ng mga hinulmang kendi na karaniwang sinangkapan ng gatas na nagmula sa bayan ng [...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Ang pastilyas, kilala rin bilang Pastillas de Leche o Pastiyema ay uri ng mga hinulmang kendi na karaniwang sinangkapan ng gatas na nagmula sa bayan ng San Miguel sa Bulacan, Pilipinas. Mula sa San Miguel, kumalat ang paggawa ng pastilyas sa mga ibang rehiyon ng Pilipinas tulad ng mga lalawigan ng Cagayan at Masbate.

Noong una, gawang-bahay ang pastilyas ng mga magsasakang nagpapalaki ng mga kalabaw. Nang maglaon, lumago ito hanggang nagkaroon ng maliit na industriya, kung saan ang pastilyas ay yari sa gatas ng kalabaw o baka o kapwa. Idinaragdag din ang pinong asukal at katas ng kalamansi sa proseso ng paggawa ng pastilyas.

Sa San Miguel, Bulacan, ginaganap ang isang Kapistahan ng Pastilyas bawat Mayo mula noong 2006. Nauugnay rin ang pabalat, isang uri ng paggugupit ng papel, sa kapistahan, at ginagamit ang balot ng pastilyas dito sa paggawa ng mga detalyadong disenyo.

Tingnan din