Partido Lakas ng Masa

From Wikfilipino
Revision as of 05:54, 19 November 2021 by Mrmagcamit (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search
PLM Logo.png

Ang Partido Lakas ng Masa (PLM) ay isang makalipunang partidong politikal sa Pilipinas na naitatag noong 2009. Ang PLM ay binuo ng mga nagkakaisang organisasyong ng mga manggagawa at mahihirap na Pilipino sa layuning makabuo ng isang partidong politikal na magsisilbing instrumento sa pakikibaka ng masang Pilipino. Kinakatawan ng grupo ang mga ordinaryong manggagawa at ng masang Pilipino tulad ng mga trabahador sa mga pabrika, mga magsasaka at mangingisda, mga tindera, guro, drayber, mga kabataan at mag-aaral, at mga kababaihan at iba pang nasa laylayan ng ating lipunan. [1] Ang tagapangulo nito ay si Sonny Melencio, isang kilalang aktibista sa bansa. [2]

Halalan 2022

Para sa Halalan 2022, ang PLM ay nag-endorso ng kanilang kandidato para sa pinakamatataas na posisyon sa gobyerno. Mula rin sa sektor ng mga manggagawa ay ang kanilang kandidatong si Leody de Guzman bilang pangulo at ang dating kinatawan sa Kongreso ng Akbayan na si Walden Bello bilang pangalawang pangulo.

Para sa pagkasenador, narito ang mga sinusuportahan ng PLM: [3]

  • Luke Espiritu ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino
  • Roy Cabonegro (environmentalist)
  • David D’angelo (environmentalist)
  • dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares
  • Sen. Leila de Lima
  • Human rights lawyer Chel Diokno
  • Sen. Risa Hontiveros
  • Kilusang Mayo Uno chairperson Elmer Labog
  • Federation of Free Workers president Sonny Matula

Mga Sanggunian

  1. PLM - Partido Lakas ng Masa Facebook page.https://www.facebook.com/partidolakasngmasa/about_details. Accessed 19 Nobyembre 2021.
  2. “Sonny Melencio.” Against the Current, https://againstthecurrent.org/sonny-melencio/. Accessed 19 Nobyembre 2021.
  3. Xave Gregorio. “Leody de Guzman bares picks for Senate.” Philstar.com, 16 Oktubre 2021. https://www.philstar.com/headlines/2021/10/16/2134606/leody-de-guzman-bares-picks-senate. Accessed 18 Nobyembre 2021.

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.