Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan

From Wikfilipino
Revision as of 09:42, 15 March 2021 by Vanunez (talk | contribs) (Created page with "Ang '''Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan''', na dinadaglat na '''PDP–Laban''', ay isang partidong politikal sa Pilipinas na itinatag ng mga grupong tutol sa naka...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Ang Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan, na dinadaglat na PDP–Laban, ay isang partidong politikal sa Pilipinas na itinatag ng mga grupong tutol sa nakaupóng Pangulong Ferdinand Marcos. Nabuô ito nang magsanib ang Partido Demokratiko Pilipino ni Aquilino Pimentel Jr. at Lakas ng Bayan ni Ninoy Aquino, mga lider ng oposisyon noong panahon ni Marcos. Mahalaga ang naging papel ng PDP–Laban sa pagsulong at dalhin nito ang kandidatura ni Corazon Aquino bílang Pangulo ng Pilipinas sa isinagawang dagliang halalan ng 1986, na naging hudyat ng pagbagsak ng rehimeng Marcos.

Muling sumabak ang PDP–Laban sa pampanguluhang halalan sa Pilipinas noong 2016 nang itaguyod nito ang kandidatura ni Rodrigo Duterte.

Mga Sanggunian