Panahon ng mga Espanyol (1521-1898)

From Wikfilipino
Revision as of 10:25, 28 April 2021 by Ivibar (talk | contribs) (Created page with "Nagsimula ang kuwento ng panahong kolonyal sa bansa hindi sa Pilipinas, ngunit sa Europa. Noong Krusada o laban ng mga taga-Europang Kristiyano sa mga Muslim, nakapunta sila...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Nagsimula ang kuwento ng panahong kolonyal sa bansa hindi sa Pilipinas, ngunit sa Europa.

Noong Krusada o laban ng mga taga-Europang Kristiyano sa mga Muslim, nakapunta sila sa Silangan at natuklasan nila ang kayamanan at kapangyarihang puwedeng makuha sa pananakop sa mga lupain doon. Noong ika-16 na daantaon, nag-uunahan ang mga kahairan sa Europa na sumakop ng mga lupain sa labas ng kanilang teritoryo upang makahanap ng ginto at pilak.

Nasusukat noon ang yaman ng isang kaharian sa dami ng pag-aari nitong ginto, pilak at lupain. Sa kalaunan naghanap na rin sila ng iba pang itinuturing na kayamanan tulad ng pampalasa o spice. Ngunit hindi lang dahil sa Krusada o sa paglayag nalaman ng mga taga-Kanluran ang mga kayamanan ng Silangan - kanila rin itong nadiskubre dahil sa mga mangangalakal.

Mga Paglalayag Patungong Silangan

Portugal at Espanya ang unang mga kahariang nag-unahan sa paglalayag upang manakop. Kung sino ang unang makarating o “makadiskubre” sa lugar ang siyang makakapagdagdag nito sa kanilang teritoryo.

Prinsipe Henry (The Navigator)

Si Prinsipe Henry ang pinakaunang Portuges na nakaabot sa Africa.

Christopher Columbus

Si Christopher Columbus ang itinuturing na “nakadiskubre” sa Hilagang Amerika.

Ferdinand Magellan

Si Ferdinand Magellan, na kilala bilang Fernando Magallanes sa Portugal, ay isang Portuges na manlalakbay na hindi binigyan ng pabuya ng hari ng Portugal upang lumayag.

Dahil dito, inialok niya sa hari ng Espanya ang kaniyang paglilingkod. Balak niyang maghanap ng bagong ruta patungong Moluccas, na kilala rin bilang “Spice Islands”.

Ang ekspidisyon ni Magellan, na kilala rin bilang Paglalakbay na Magellan-Elcano, ang unang grupo mula Europa na makakarating sa mga isla na makikilala bilang Pilipinas.

Pagdating ng mga manlalakbay sa Pilipinas

Unang dumating ang mga manlalakbay mula Europa, o ang Paglalakbay na Magellan-Elcano, sa Isla ng Homonhon noong 17 Marso 1521. Mula Homonhon, nagtungo sila sa Limasawa.

Matapos mapaslang si Magellan sa Labanan sa Mactan noong 27 Abril 1521, naglayag pabalik ng Espanya ang naiwang mga eksplorador, sa pamumuno ni Juan Sebastian Elcano (na minsang binabaybay na del Cano).

Muling nagbalik ang mga Espanyol sa mga islang “nadiskubre” nina Magellan at Elcano noong taong 1543, nang maglakbay ang grupong pinamunuan ni Ruy Lopez de Vilallobos sa mga islang tinawag na ‘’Islas Del Poniente’’ (Mga Isla sa Kanluran). Pinangalanan ito ni Villalobos na “Felipinas” bilang pagbibigay-pugay kay Felipe II, ang hari ng Espanya.


Mga Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.