Pag-aalsa ni Tapar

From Wikfilipino
Revision as of 13:04, 9 April 2021 by Rclacuata (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Tapar ay babaylan mula sa Panay. Kilala siya na nagtatag ng relihiyosong kulto na pinagsama ang Katolikong paniniwala at tradisyonal na mga ritwal. Hinimok niya ang mga katutubong Pilipino upang sumanib sa kaniya. Itinatag niya ito sa panahong dumalas ang pagmamalupit ng mga Espanyol sa kanilang mga Pilipino.

Nakarating sa paring Espanyol na si Fr. Francisco de Mesa ang lumalaking bilang ng miyembro ng kulto ni Tapar. Pinuna niya ang kakaibang gawain ng pangkat. Nagalit ang mga tagasunod ni Tapar at pinatay ang pari dahil sa pagkondena nito sa kanilang samahan. Napag-alaman ito ng pamahalaang Espanyol at inatake sina Tapar at kaniyang mga miyembro. Sila ay namatay sa labanan. Ang kanilang mga bangkay ay ipinakita sa publiko bilang babala sa mga nagnanais na magsimula ng pag-aalsa laban sa pamahalaan.

Sanggunian

  • Duka, Cecilio. “Struggle for Freedom: A Textbook on Philippine History.” Sampaloc Manila: Rex Book Store, Inc. 2008.
  • Halili, Maria Christine. “Philippine History.” Sampaloc Manila: Rex Book Store, Inc. 2004.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.