Difference between revisions of "Pag-aalsa ni Sumuroy"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Line 32: Line 32:
 
[https://kahimyang.com/kauswagan/articles/736/a-detailed-account-of-the-sumuroy-rebellion-as-told-by-a-spaniard “A detailed account of the Sumuroy rebellion as told by a Spaniard”].Kahimyang. Hinango noong 15 January 2021.{{WikiFilipino Nilalaman}}
 
[https://kahimyang.com/kauswagan/articles/736/a-detailed-account-of-the-sumuroy-rebellion-as-told-by-a-spaniard “A detailed account of the Sumuroy rebellion as told by a Spaniard”].Kahimyang. Hinango noong 15 January 2021.{{WikiFilipino Nilalaman}}
 
[[Category:Quincentenario]]
 
[[Category:Quincentenario]]
[[Category:History]]
 
[[Category:Philippine History]]
 
 
[[Category:Spanish Colonization]]
 
[[Category:Spanish Colonization]]
 
[[Category:Aklas]]
 
[[Category:Aklas]]
 
[[Category:Kasaysayan at Pangyayari]]
 
[[Category:Kasaysayan at Pangyayari]]
 +
[[Category:Kasaysayan]]

Revision as of 14:58, 24 February 2021

Ang Pag-aalsa ni Sumuroy noong 1649–1650 ay nagsimula sa Palapag, Hilagang Samar at kumalat sa mga kalapit na probinsya ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Ito ay pinlano at sinimulan ni Juan Agustin Sumuroy (Juan Ponce Sumuroy sa ibang tala) noong 1649 dahil sa pagtutol niya sa polo y servicio o sapilitang pagtatarabaho na ipinataw sa mga katutubong manggagawa sa Samar.  

Dahilan ng Rebelyon

Ang Espanya ang isa sa mga nangunguna sa larangan ng nabigasyon noong ika-16 siglo kaya marami silang pagawaan ng mga barko sa Pilipinas. Ang mga katutubong Pilipino ay kadalasang pinagtatrabaho sa mga pagawaan ng barko na malapit sa kanilang tahanan ngunit dahil sa pagkalugi, isinara ang karamihan ng mga pagawaan ng barko sa Pilipinas samantalang iniwan namang bukas ang iba at isa na rito ay ang pagawaan sa Cavite. Dahil sa batas na isinulong ni Gobernador-Heneral Diego Fajardo, ang mga katutubong karpintero sa iba’t ibang probinsiya ng Pilipinas ay maaaring ipadala sa Cavite.

Ang mga karpintero ng Palapag, Samar ay hindi sang-ayon sa batas na ito dahil mawawalay sila sa kanilang mga pamilya nang matagal na panahon.

Magmula nang makita ng mga katutubo/natibo ang pagkuha sa mga kalalakihan upang dalhin sa Cavite, nagsimula na silang magpulong sa bahay nina Sumuroy at ng ama nito. Sina Don Juan Ponce, isang maimpluwensiyang tao; Don Pedro Caamug; at Sumuroy ang mga itinalagang lider ng pinlano nilang pag-aaklas.

Dahil rito, nagpasiya si Sumuroy at ang kaniyang mga kasamahan na patayin si Padre Miguel Ponce Barberan, Heswitang prayle ng Palapag, sa pamamagitan ng pagsibat sa kaniya na agad namang ikinamatay ng prayle noong 1649. Matapos ang pagpatay sa prayle, ang mga kalapit na simbahan sa Ibabao, Samar ay sinunog bilang senyales ng kanilang pakikiisa sa rebelyon.

Pagkalat ng Pag-aalsa

Nang masaksihan ang katapangan ng mga rebeldeng Waray, ang mga katutubo mula sa probinsiya ng Camarines, Sorsogon, Masbate, Cebu, Iligan, Cagayan, at ilang lugar sa  Mindanao, ay sumunod sa kanilang yapak. Sa Camarines, tinuligsa ng mga katutubo ang mga Espanyol habang sa Sorsogon naman, ang punong pari ng mga Pransiskano ay pinalayas at ang kanilang alferez (ranggo sa militar) ay pinatay. Sa Cebu, inatake rin ng mga katutubo ang hukbong Espanyol habang sa Iligan, inatake at inagaw ng mga Manobo ang kalapit na siyudad ng Cagayan. Gayundin ang ginawa ng mga rebelde sa Mindanao. Sa kabundukan ng Samar, itinatag ni Sumuroy ang isang gobyerno ng mga rebelde.

Pagpuksa sa Rebelyon

Nagsimula nang matakot ang mga Espanyol dahil sa unti-unting paglakas ng rebelyon kaya nagpasiya sila na magpadala ng isang hukbo mula sa Zamboanga upang supilin ito. Isa sa mga kapitan ng hukbo ay si Juan de Ulloa. Pinamunuan niya ang mga sundalong Lutao kasama si sarhento mayor Francisco Macombo.

Samantala, ang posisyon ni Padre Barberan bilang lokal na pari ng Palapag ay pinalitan ni Padre Vicente Damian. Sa pamumuno ni Don Pedro Caamug, isa sa mga lider ng rebelyon, bumaba ang mga Waray mula sa kabundukan ng Samar at pinatay si Padre Damian kasama ang dalawa niyang alalay. Noong 11 Oktubre 1649, muli nilang sinunog ang bagong tayong simbahan na nauna nang sinunog ng mga rebelde noon.

Noong kinagabihan ng Hulyo 2,1650, Si Macombo at ang kaniyang hukbo ay sinalakay ang kuta ng mga Waray sa kabundukan na kilala sa tawag na “palapag mesa.”  Doon napuksa ang rebelyon at sinunog ang kuta.

Pagpapatawad sa mga Rebelde at Pagkamatay ni Sumuroy

Pinatawad ni Don Gines de Rojas, isang Espanyol, si Don Pedro Caamug.

Datapwat nakaligtas sina Sumuroy at ang kaniyang ama, hindi sila pumayag na sumuko sa awtoridad kaya sila ay pinugutan ng ulo ng kanilang mga dating kasamahan sa utos ni Don Gines de Roxas.

Mga Sanggunian

Borrinaga, GE. 2015. “Seven Churches”. Philippine Quarterly of Culture and Society, Vol. 43, No. 1/2 (2015), p.23 (pdf).

Dery, LC. 1991. From Ibalon to Sorsogon: A Historical Survey of Sorsogon Province to 1905. New Day Publishers, Quezon City.

“A detailed account of the Sumuroy rebellion as told by a Spaniard”.Kahimyang. Hinango noong 15 January 2021.==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.