Difference between revisions of "Pag-aalsa ni Dagohoy"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
(Created page with "Ang '''Pag-aalsa ni Dagohoy''' (1744–1829) ay itinuturing bilang pinakamahabang himagsikan sa kasaysayan ng Pilipinas na naganap sa Bohol. Ito rin ang pag-aalsa na ang t...")
 
Line 28: Line 28:
  
 
Ipinangalan kay Dagohoy ang isang bayan sa Bohol na naitatag noong 1958.<ref>“Municipality of Dagohoy.” Province of Bohol, <nowiki>https://bohol.gov.ph/dagohoy</nowiki>. Accessed 22 Disyembre 2020.</ref>
 
Ipinangalan kay Dagohoy ang isang bayan sa Bohol na naitatag noong 1958.<ref>“Municipality of Dagohoy.” Province of Bohol, <nowiki>https://bohol.gov.ph/dagohoy</nowiki>. Accessed 22 Disyembre 2020.</ref>
 +
 +
== Sanggunian ==
 +
<references />{{WikiFilipino Nilalaman}}
 +
[[Category:Bayani]]
 +
[[Category:Kasaysayan]]
 +
[[Category:Himagsikan]]

Revision as of 05:08, 8 January 2021

Ang Pag-aalsa ni Dagohoy (1744–1829) ay itinuturing bilang pinakamahabang himagsikan sa kasaysayan ng Pilipinas na naganap sa Bohol. Ito rin ang pag-aalsa na ang tagapagtatag ay matagal na namuno, at ipinakita ang kakayahan ng mga Pilipino na magkaisa para sa iisang mithiin.

Ang pag-aalsang ito ay pinangunahan ni Francisco Dagohoy na nagsimula sa mga personal na panlalait na nagbigay ng inspirasyon sa mga mamamayan ng Bohol na manawagan tungo sa kalayaan. Nagbunga ito ng matagumpay na himagsikan laban sa malulupit na Espanyol, na nagtagal sa loob ng 85 taon.

Ang Isla ng Bohol ay hinog na para sa himagsikan at pagod na sa mga karumal-dumal na pananamantala ng mga Espanyol, tulad ng sapilitang pagtatrabaho, hindi patas na paniningil ng buwis at pagbabayad ng tributo, at ang hindi makataong pamamahala ng mga awtoridad at ng mga fraile.

Ang kulang na lamang noon upang magsimula ang himagsikan ay ang makapag-uudyok na insidente. At dito pumasok sa eksena si Francisco Dagohoy, ang cabeza de barangay ng Inabanga.[1]

Mitsa ng Panghihimagsik

Sa mga panahong iyon, nais lamang ni Dagohoy ng maayos na libing bilang Kristiyano sa kapatid na si Saragino, sundalo ng hukbong Espanyol na namatay habang sinisikap na arestuhin ang isang tao na tinalikuran ang pagiging Katoliko.

Gayunman, ang koadhutor ng Jesuit sa Inabanga na si Padre Gaspar Morales ay tumutol upang mabigyan ng Kristiyanong libing si Saragino.

Dahil dito, nanggalaiti sa galit si Dagohoy at nakaramdam ng insulto sa pagtanggi ng prayle. Ang higit na nagpagalit sa kaniya ay ang katotohanang si Padre Morales mismo ang nag-utos kay Saragino na hulihin ang mga pugante.

Nanawagan si Dagohoy sa mga kapuwa niya Boholano na patalsikin ang mga Espanyol sa kanilang isla. Pagkatapos, tinatayang 3,000 katutubo ang sumagot sa kaniyang panawagan. Umakyat sila sa kabundukan at nagtayo ng kuta.

Pinangunahan ni Dagohoy ang pagsalakay sa mga kampo ng mga Espanyol sa paanan ng bundok, gayundin sa mga simbahan. Sa kabundukan ng Danao, itinatag ni Dagohoy ang isang lokal na pamahalaan na tinatayang may 20,000 tagasunod.

Ayon kay Queennie Ann Palafox ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), nakontrol ni Dagohoy ang malaking bahagi ng Bohol, liban sa mga baybaying bayan na pinoprotektahan ng mga hukbo ng mga Espanyol at mga katutubong sundalo. [2]

Pamanang Kabayanihan

Dalawampu ang naging gobernador herenal na hindi nagtagumpay upang sugpuin ang rebelyon ni Dagohoy. Hindi man tiyak ang petsa ng kamatayan ni Dagohoy, ang sinimulan niyang pag-aalsa ay nagpatuloy kahit siya ay patay na.[2]

Mula 1744 hanggang 1829, ilang henerasyon ng mga Boholano ang napalaya mula sa pang-aapi ng mga Espanyol. Nagwakas ang himagsikan noong 31 Agosto 1829.

Ang 85-taong himagsikan ni Dagohoy ay isang pamana ng kabayanihan—isang makabuluhang paalala na napagtagumpayan ng mga Pilipino ang paglaban sa kasakiman sa kapangyarihan ng mga Espanyol bago pa man ang Himagsikang Pilipino noong 1896.

Ipinangalan kay Dagohoy ang isang bayan sa Bohol na naitatag noong 1958.[3]

Sanggunian

  1. Phillip Y. Kimpo Jr., Almario S. Almario, ed. “Francisco Dagohoy.” 2000 Sagisag Kultura ng Filipinas Edisyong Agosto 2013. Quezon City: Filipinas Institute of Translation, Inc. pdf.  
  2. 2.0 2.1 Palafox, Queen Ann, J. “The Vision of Francisco Dagohoy.” National Historical Commission of the Philippines, 6 Setyembre 2012. https://nhcp.gov.ph/the-vision-of-francisco-dagohoy. Accessed 22 Disyembre 2020.
  3. “Municipality of Dagohoy.” Province of Bohol, https://bohol.gov.ph/dagohoy. Accessed 22 Disyembre 2020.

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.