National Unity Party

From Wikfilipino
Revision as of 09:44, 24 March 2022 by Mrmagcamit (talk | contribs) (Created page with "Ang '''National Unity Party (NUP)''' ay isang partidong politikal sa Pilipinas na nabuo noong 2010 ng mga dating kasapi ng Lakas–CMD (Lakas–Christian Muslim Democrat...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Ang National Unity Party (NUP) ay isang partidong politikal sa Pilipinas na nabuo noong 2010 ng mga dating kasapi ng Lakas-CMD. Ang mga kongresistang sina Pablo P. Garcia, Rodolfo W. Antonio, at Roger G. Mercado ang mga pangunahing opisyal ng partido. Mula noong 2016, ang NUP ay bahagi ng koalisyon ng PDP-Laban sa Kongreso, ang Kilusang Pagbabago. Ang NUP ay opisyal na kinilala ng Komisyon sa Halalan noong 2011. [1]

Noong 24 Marso 2022, inendorso ng NUP ang kandidaturya ni Bongbong Marcos bilang pangulo ng Pilipinas sa Halalan 2022. [2]

Mga Sanggunian

  1. “About NUP.” https://www.nup.org.ph/party. Accessed 24 Marso 2022.
  2. CNN Philippines Staff. “National Unity Party endorses Marcos presidential bid.” CNN Philippines, 24 Marso 2022.https://www.cnnphilippines.com/news/2022/3/24/NUP-endorses-Marcos-presidential-bid.html. Accessed 22 Marso 2022.