Difference between revisions of "National Food Fortification Day"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
(Created page with "Ang '''National Food Fortification Day''' ay ipinagdiriwang tuwing ika-7 ng Nobyembre ayon sa Philippine Food Fortification Act of 2000. ==Batas== Ayon sa Konstitusyon ng Pi...")
 
Line 6: Line 6:
  
Ayon sa Republic Act 8976, ang Food Fortification Program ay binubuo ng dalawang bahagi: ang boluntaryong paglalagay ng karagdagang bitamina sa mga pagkaing pinoproseso at ang pangkalahatang paglalagay ng iron sa bigas, Bitamina A sa asukal, mantika at harina.
 
==Mga ahensya==
+
==Mga Ahensiya==
 
Ang itinalagang ahensya upang maging pangunahing may responsibilidad para sa pagpapatupad at pagbabantay sa pagsunod sa batas ay ang Kagawaran ng Kalusugan. Ang National Nutrition Council ang gumagawa ng mga patakaran, partikular sa kung anong pagkain ang dapat lagyan ng nararapat na karagdagang nutrisyon. Ang Department of Trade and Industry naman ang tumutulong sa mga may-ari ng pabrika sa pagpapataas ng kalidad ng kanilang mga kagamitan upang makatulong sa fortification ng mga pagkain, gayon din sa pagbibigay ng tulong pinansyal. Ang Kagawaran ng Siyensya at Teknolohiya ang tumutulong sa paggawa ng mga programa sa pagkakaroon, pagdidisenyo at pagbebenta ng mga makina at iba pang teknolohiya na makatutulong sa fortification ng mga pagkain. Ang Land Bank of the Philippines ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga manggagawa at mga may-ari ng pagawaan na may kinalaman sa fortification.
 
==Sangkap Pinoy Seal==
 
==Sangkap Pinoy Seal==
Line 17: Line 17:
 
*[http://www.doh.gov.ph/node/1788 “Food Fortification”] Doh.gov.ph (Hinango 23 Oktubre 2009)
 
{{WikiFilipino Nilalaman}}[[Kategorya:Tampok na Artikulo|National Food Fortification Day]] [[Kategorya:Kasaysayan at Pangyayari|National Food Fortification Day]]
 
[[Category:Siyensiya at Teknolohiya]]
 +
[[Category:Mga Pagdiriwang]]

Latest revision as of 10:25, 24 February 2021

Ang National Food Fortification Day ay ipinagdiriwang tuwing ika-7 ng Nobyembre ayon sa Philippine Food Fortification Act of 2000.

Batas

Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas, ang Estado ay may tungkuling protektahan at pagtibayin ang karapatan ng tao sa kalusugan at pagbibigay ng kaalaman tungkol sa angkop na nutrisyon. Kinikilala din ng estado ang kakulangan ng mga Pilipino sa angkop na nutrisyon batay na rin sa mga ginawang pagsasaliksik, kabilang ang iron, bitamina A, iodine, thiamin at riboflavin. Dahil dito, ginawang panukala ang paglalagay ng mga naaangkop na bitamina at nutrisyon sa mga pagkain o food fortification upang maabot ang mga kaukulang pangangailangan ayon sa Recommended Dietary Allowance.

Food Fortification

Ang Food Fortification ay ang pagdaragdag ng mga kulang na mineral sa pagkain na kinokonsumo ng isang grupo ng tao. Ang matagumpay na mga programa sa fortification ay nakatutulong sa pagbabawas ng pagkakaroon ng impeksyon at pagkamatay lalo na sa mga bata at kababaihan at nakatutulong din ito sa pagpapalakas ng pagganap dahil sa karagdagang nutrisyon para sa utak.

Ayon sa Republic Act 8976, ang Food Fortification Program ay binubuo ng dalawang bahagi: ang boluntaryong paglalagay ng karagdagang bitamina sa mga pagkaing pinoproseso at ang pangkalahatang paglalagay ng iron sa bigas, Bitamina A sa asukal, mantika at harina.

Mga Ahensiya

Ang itinalagang ahensya upang maging pangunahing may responsibilidad para sa pagpapatupad at pagbabantay sa pagsunod sa batas ay ang Kagawaran ng Kalusugan. Ang National Nutrition Council ang gumagawa ng mga patakaran, partikular sa kung anong pagkain ang dapat lagyan ng nararapat na karagdagang nutrisyon. Ang Department of Trade and Industry naman ang tumutulong sa mga may-ari ng pabrika sa pagpapataas ng kalidad ng kanilang mga kagamitan upang makatulong sa fortification ng mga pagkain, gayon din sa pagbibigay ng tulong pinansyal. Ang Kagawaran ng Siyensya at Teknolohiya ang tumutulong sa paggawa ng mga programa sa pagkakaroon, pagdidisenyo at pagbebenta ng mga makina at iba pang teknolohiya na makatutulong sa fortification ng mga pagkain. Ang Land Bank of the Philippines ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga manggagawa at mga may-ari ng pagawaan na may kinalaman sa fortification.

Sangkap Pinoy Seal

Mula noong taong 2005, pitompu't isang mga pagkain na pinoproseso ang nagtataglay ng mga karagdagang bitamina at nagtataglay ng Sangkap Pinoy Seal. Ang Sangkap Pinoy Seal ang tatak na nagpapatunay sa pagsunod sa tamang food fortification upang masiguro ang kalidad ng mga produkto. Ang mga pagkaing dinagdagan ng bitamina A, iron at iodine ay kinabibilangan ng mga produktong isda at baboy, instant noodles, keso, mga biskwit at iba pa. Para sa pangkalahatang fortification, animnapu't pitong produkto tulad ng bigas, asukal at iba pa ang mayroong selyo ng Sangkap Pinoy.

Mga programa

Maliban sa mga programa sa pagpapalaganap at patuloy na pagsulong ng pagka-epektibo ng fortification, nagkaroon din ng sistema sa pagsubaybay sa pagsunod sa mga itinalagang programa. Pinirmahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Executive Order 382 na nagtatalaga ng National Food Fortification Day tuwing ika-7 ng Nobyembre.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

National Food Fortification Day National Food Fortification Day