Difference between revisions of "Monopolyo ng Tabako"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Line 24: Line 24:
 
[[Category:Pananakop ng Espanya|Monopolyo ng Tabako]]
 
[[Category:Pananakop ng Espanya|Monopolyo ng Tabako]]
 
[[Category:Ekonomiya sa Panahon ng Pananakop|Monopolyo ng Tabako]]
 
[[Category:Ekonomiya sa Panahon ng Pananakop|Monopolyo ng Tabako]]
 +
[[Category:Kalakalan at Ekonomiya]]

Revision as of 12:24, 24 February 2021

Ang Monopolyo ng Tabako ay isang programang pang-ekonomiya na pinasinayaan ni Jose Basco y Vargas noong 1782, labinlimang taon makalipas na ipakilala sa Filipinas ang sistemang monopolyo. Ang programang ito ay nangangahulugan na ang pagtatanim, pag-aani at pangangalakal ng tabako ay nasa mahigpit na pangangalaga at kontrol ng pamahalaan – isang pamamaraan upang matiyak at mapanatiling malaki ang salaping pumapasok sa Espanya.

Mga Suliranin

Sa simula pa lamang ay malaking problema na ang idinulot ng monopolyo ng tabako sa mga katutubo. Pinagsamantalahan ang mga Filipino at ginamit ang relihiyon upang sumunod sila sa mga kautusan ng pamahalaan. Upang mayroong magagandang tabako na matira sa kanila, ang mga magsasaka ay natutong magtanim nito sa mga maliliit na paso na siyang ikinagalit naman ng mga Espanyol. Ang mga katutubong Igorot naman ay nagpupuslit ng mga matataas na kalidad ng tabaka mula sa Ilocos at kanilang itinitinda sa pamahalaan. Ang pinakamalaking suliraning kinaharap ng Espanya ay ang kalat na demonstrasyon at pag-aaklas na isinagawa ng mga magsasakang Filipino.

Pagtatapos ng Monopolyo

Noong 1881, makalipas ang isandaang taon, ay tuluyan nang itinigil ang monopolyo ng tabako sa Filipinas. May ilang lalawigan ang patuloy pa rin sa pagtatanim nito ngunit hindi na ito sapilitan.

Basahin din

Sanggunian

  • Diokno, Maria Serena I. at Ramon N. Villegas. Kasaysayan IV: The Story of the Filipino - Life in the Colony. Philippines: Asia Publishing Company Limited, 1998.
  • de Jesus, Ed C. Tobacco Monopoly in the Philippines – Bureaucratic Enterprise and Social Change 1766-1880. Quezon City: Ateneo Press, 1980.
  • Tobacco History. (hinango noong 26 Marso 2008).

Panlabas na Kawing

Template:Katiting

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.