Mga Paglalakbay ni Jose Rizal

From Wikfilipino
Revision as of 11:49, 19 March 2021 by Rclacuata (talk | contribs) (Created page with "Sa suhestiyon ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Paciano Rizal, nagdesisyon si '''Jose Rizal''' na umalis ng Pilipinas patungong Espanya para mag-aral. ==Paglal...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Sa suhestiyon ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Paciano Rizal, nagdesisyon si Jose Rizal na umalis ng Pilipinas patungong Espanya para mag-aral.

Paglalakbay ni Jose Rizal

3 Mayo 1882 – umalis ng Maynila si Rizal. Sa kanyang pasaporte, Jose Mercado ang kanyang ginamit na pangalan (sa tulong ni Antonio Rivera, ama ni Leonor Rivera)

9 Mayo 1882 – dumating siya sa Singapore

11 Mayo 1882 – umalis sa Singapore patungong Espanya sakay sa barkong Djemnah

12 Hunyo 1882 – nakarating siya sa Marseilles

15 Hunyo 1882 – umalis siya ng Marseilles papuntang Barcelona

16 Hunyo 1882 – dumating siya sa Barcelona

20 Agosto 1882 – nalimbag sa Diariong Tagalog ang kanyang artikulong “Amor Patrio”

15 Hunyo 1883 – umalis ng Madrid patungong Paris

17 Hunyo 1883 – nakarating siya sa Paris

20 Agosto 1883 – bumalik siya sa Madrid. Sa panahong ito, nais ni Rizal umuwi sa Pilipinas dahil nabalitaan niyang nagkakaproblema ang kanyang pamilya

19 Nobyembre 1885 – bumalik siya sa Paris

2 Pebrero 1886 – dumating siya sa Strasburg, Germany

3 Pebrero 1886 – dumating siya sa Heidelberg

26 April 1886 – dumating siya sa Wilhemsfeld

26 Hunyo 1886 – bumalik si Rizal sa Heidelberg

9 Agosto 1886 – pumunta siya sa Leipzig

29 Oktubre 1886 – dumating siya sa Dresden

1 Nobyembre 1886 – dumating siya sa Berlin

11 Mayo 1887 – umalis siya sa Berlin upang ikutin ang iba’t ibang siudad sa Europa: Dresden, Leitmeritz, Prague, Vienna, Munich, Nuremberg, Ulm, Lausanne, at Geneva

13 Mayo 1887 – dumating si Rizal at Viola sa Leitmeritz. Dito niya unang nakita si Blumentritt

5 Agosto 1887 – dumating sa Maynila si Rizal

Pagbabalik sa Maynila

Pinaguusapan na sa Maynila ang nobela ni Rizal na Noli Me Tangere. Dahil dito, hindi hinahayaan ng ama ni Rizal na lumabas siya mag-isa sa takot na hulihin siya ng mga Espanyol.

Habang nasa Pilipinas, nanggamot si Rizal ng kaniyang ng mga taong pumupunta sa kanilang bahay. Upang mapigilan ang kaniyang mga kababayan na magsabong o magsugal, sinimulan ni Rizal ang pagtuturo ng gymnastics at ehersisyo. Tinulungan rin niya ang isang grupo ng mga magsasaka na upang maiparating sa mga Espanyol ang kanilang mga hinaing.

Pagbabalik sa Europa

Noong 3 Pebrero 1888, bumalik si Rizal sa Espanya. Dumaan muna sa Hong Kong, Japan, Amerika, London, at Paris bago siya bumalik sa Barcelona. Dumating siya sa Barcelona noong 13 Disyembre 1888.

Sa mga sumunod na taon, bumalik ulit siya sa London at Paris. Noong 2 Pebrero 1890, pumunta siya sa Brussels.

Mula Brussels, bumalik si Rizal sa Madrid, at nagtungo naman sa Biarritz, Pransya noong 11 Pebrero 1891. Bumalik ulit siya sa Paris, Brussels, at nagtungo sa Ghent, kung saan naimprenta ang kaniyang nobelang El Filibusterismo. Bago bumalik sa Pilipinas noong 1892, dumaan din sa Borneo si Rizal.

Noong ika 26 ng Hunyo, 1892, bumalik sa Pilipinas si Rizal.

Mga Sanggunian

["Rizal's First Trip Abroad"] Jose Rizal PH