Mercedes Cabral

From Wikfilipino
Revision as of 09:43, 23 March 2021 by Daidlisan (talk | contribs) (Created page with "{| class="toccolours" style="width:20em; float: right; background-color:Oldlace; border: 1px solid #CD7F32; margin: 0 0 1em 1em;" width="350px" | colspan="2" style="text-align...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search
Mercedes Cabral
Estado: Aktres, Modelo, Iskultor
Birth Date: 10 Agosto 1986 [1] Quezon City
Kasarian Babae
Edukasyon Fine Arts major in Sculpture

Si Mercedes Cabral ay isa sa mga Pilipinang aktres na hinahangaan ng marami dahil sa kanyang ganda at galing sa pag-arte. Siya ngayon ay tinaguriang prinsesa ng Kasarinlang Pelikula (Indie Movie). Lagi siyang inaanyayahang gumanap bilang pangunahing aktres ng mga mag-aaral ng pelikula sa iba't ibang unibersidad. Siya ay napabilang sa isa sa dalawangpung pangunahing artista ng indepindyenteng pelikula sa Pilipinas noong 2010.[2]

Noong 2007, gumanap bilang pangalawang aktres si Cabral sa pelikulang Baliw na siyang nagbigay parangal sa kanya bilang pinakamahusay na pangalawang aktres sa 2007 UP Inbox TV and Radio Festival. [3]

Noong Oktubre 2008, siya ay inanyayahan upang pasinayaan ang pagbubukas ng ika-labingtatlong Pusan International Film Festival sa Timog Korea, at naging unang Filipina na maging kasapi ng Asia Pacific Actors Netwrok (APAN) kung saan ang ilang pangunahing actor sa Hollywood ay kasapi din.[4]

Noong 2008, siya ang gumanap bilang Merly sa pelikulang Serbis na nakasama rin sa Cannes International Film Festival. Sa pagdiriwang ding iyan, naparangalan si Cabral bilang Most Beautiful Actress (Pinakamagandang Aktres). Siya rin ang gumanap bilang Cecille, ang kasintahan ni Peping (Coco Martin), sa pelikulang Kinatay noong 2009. Napanood din si Cabral sa pelikulang Thirst (Uhaw) ng batikang Koreanong direktor na si Park Chan-wook.

Kasalukyang nag-aaral si Cabral ng Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas.

Mga pelikulang tinampukan

Ang mga sumusunod ay ang mga pelikulang tinampukan ni Cabral: [5]:

Taon Pamagat ng Pelikula Papel
2012 Captured Post Production
2011 Ligo na U Lapit na Me

(Cinemalaya Entry)

Jenny
2011 Ang Babae sa Septic Tank

(Cinemalaya Entry)

Mercedes Cabral
2011 Gayuma

(Cinemalaya NETPAC)

2011 Liberacion

(Cinemalaya NETPAC)

2010 Ganap Na Babae Filipinas
2010 Sakit

(maikling pelikula)

Alamela
2010 Biyaheng Lupa (Soliloquy)
2010 Magkakapatid

(Cinemalaya Entry)

2010 Si Techie si Technoboy at si Wanabie

(Cinemalaya Entry)

Techie
2010 Ang Babae sa Sementeryo
2010 Shake Rattle and Roll 12
2010 PHR present Bud Brother
2009 Bakjwi (Thirst) Evelyn
2009 Kinatay (The Execution of P) Cecille
2009 Residue
2008 Serbis(Service) Merly
2008 Ang Panggagahasa kay Fe (The Rapture of Fe)
2007 Baliw

Sanggunian

  1. Mercedes Cabral's Filmography, binisita noong: 24 Mayo 2011
  2. Short Biography of Mercedes Cabralbinisita noong: 24 Mayo 2011
  3. Cannes Film Festival Press Kit, binisita noong: 24 Mayo 2011
  4. Mercedes Cabral, tanging Pilipinang aktres sa 13th Pusan film fest, binisita noong: 24 Mayo 2011
  5. Mercedes Cabral's Filmography, binisita noong: 24 Mayo 2011

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.