Maximo H. Hizon

From Wikfilipino
Revision as of 08:53, 23 April 2021 by Rclacuata (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Maximino H. Hizon ay isang bayaning Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas noong panahon ng Rebolusyong Pilipino.

Si Hizon ay ipinanganak sa Pariaan, Mexico, Pampanga noong 9 Mayo 1870 kina Atanacio Hizon at Ancieta Hipolito. Siya ay umanib sa Katipunan noong 1896. Isa siya sa mga dinakip at ipinatapon sa Jolo nang mabunyag sa mga Espanyol ang lihim na samahan. Nakalaya rin siya matapos ang paglagda ng kasunduan sa Biak-na-Bato. Hinirang siyang komandante heneral ng Pampanga at brigadier henereal noong 1898. Siya ay kinatawan ng Sorsogon sa Kongreso ng Malolos. Isa siya sa mga nakipaglaban sa Labanan sa Caloocan noong 23 Pebrero 1899 at isa sa mga nanguna sa pagsalakay sa kuta ng mga Amerikano sa Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, at Pangasinan. Nasugatan siya sa isang labanan sa Porac, Pampanga noong 17 Enero 1900. Nabihag siya sa Mexico, Pampanga noong 19 Hunyo 1900 at ipinatapon sa Guam, kung saan siya namatay noong 1 Setyembre 1901.

Sanggunian

“Heroes in Pampanga: Maximo H. Hizon.” Pampanga Talents. https://www.pampangatalents.com/Maximino-H-Hizon.htm. Accessed 24 Marso 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.