Masino Intaray

From Wikfilipino
Revision as of 07:58, 28 April 2021 by Mrmagcamit (talk | contribs) (Created page with "Si '''Masino Intaray''' ay isang katutubong Pilipino na kasapi ng tribung Pala’wan sa Makagwa Valley, Brookes Point, Palawan. Siya ay isinilang noong 10 Abril 1943. Siya ay...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Masino Intaray ay isang katutubong Pilipino na kasapi ng tribung Pala’wan sa Makagwa Valley, Brookes Point, Palawan. Siya ay isinilang noong 10 Abril 1943. Siya ay pinagkalooban ng Gawad sa Manlilikha ng Bayan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) noong 1993 dahil sa kaniyang natatanging kaalaman sa panitikan at musikang Palawan na patuloy niyang itinataguyod upang mapangalagaan at mapagyaman ng mga susunod na henerasyon sa kanilang komunidad.

Siya ay dalubhasa sa pagpapatugtog ng kanilang katutubong instrumento tulad ng aroding (alpang pambibig) at babarak (plawta). Tagapagsalaysay rin siya ng kanilang mga tultul (epikong-bayan), sudsungit (kuwento), at tuturan (mito).

Namayapa si Masino noong 30 Nobyembre 2013.

Sanggunian

Felipe M. de Leon Jr. “National Living Treasures: Masino Intaray.” NCCA, https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/culture-profile/gamaba/national-living-treasures-masino-intaray/. Accessed 28 Abril 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.