Marife Necesito

From Wikfilipino
Revision as of 09:33, 23 March 2021 by Daidlisan (talk | contribs) (Created page with "Si '''Marife Necesito''' ay isang Pilipinong aktres sa teatro, pelikula at telebisyon. Naging kilala siya sa ibang bansa dahil sa pagiging bahagi niya ng pelikulang ''Mamm...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Marife Necesito ay isang Pilipinong aktres sa teatro, pelikula at telebisyon. Naging kilala siya sa ibang bansa dahil sa pagiging bahagi niya ng pelikulang Mammoth, na idinirehe ni Lukas Moodysson at tinampukan ng mga sikat na artistang sina Michelle Williams at Gael Garcia Bernal.

Buhay at Karera

Isinilang si Necesito sa Maynila at lumaki sa lungsod ng Valenzuela, kung saan dito rin siya nag-aral. Makaraang magtapos ng mataas na paaralan sa St. Jude Academy ay nagtrabaho siya bilang isang manunulat. Kabilang sa kanyang mga akda ang ilang komiks at mga nobela. Nang mabawasan ang pangangailangan para sa mga manunulat ng komiks ay naging aktres sa teatro si Necesito. Nagsanay siya sa Balintataw sa ilalim ni Cecile Guidote-Alvarez at sa Dulaang Bonifacio, kay Angie Ferro. Ilan sa kanyang mga pagtatanghal sa entablado ay para sa Heroes of Ilocos, Elias y Salome, Trojan Women, at Song for Ana. Maliban sa mga pagtatanghal sa teatro, naging bahagi na rin si Necesito ng ilang mga programa sa telebisyon, mga patalastas at mga pelikula. Nakasali siya sa produksyon ng ilang sikat na drama sa telebisyon tulad ng Bituing Walang Ningning, Krystala, Kung Mamahalin Mo Lang Ako, Majika, at Magpakailanman. Ginampanan din niya ang karakter ng isang babae sa bar sa Dong Ha, sa programang Going Back na isang programa sa Canada. Gumawa na rin siya ng ilang mga patalastas para sa mga produkto ng Nescafe, Lucky Me Noodles, Lactum, Nabisco, at Western Union.

Mga pelikula

  • Fidel (2009)
  • Mammoth (2009)
  • Tropical Manila (2008)
  • Pandanggo (2006)
  • Ebolusyon ng Isang Pamilyang Pilipino (2004)
  • Kikay: Kaakit-akit. Kaaya-Aya. Kikiligin Ka (2003)
  • Sa Pusod ng Dagat (1998)

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.