Difference between revisions of "Mar Roxas"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
 
Line 1: Line 1:
 
Si '''Manuel "Mar" Araneta Roxas II''' ay isang Pilipinong politiko na nagsilbi bilang [[Senador ng Pilipinas]] mula 2004 hanggang 2010. Siya ay apo ni dating Pangulong [[Manuel Roxas]] at anak ni dating Senador [[Gerardo "Gerry" Roxas]].
 
Si '''Manuel "Mar" Araneta Roxas II''' ay isang Pilipinong politiko na nagsilbi bilang [[Senador ng Pilipinas]] mula 2004 hanggang 2010. Siya ay apo ni dating Pangulong [[Manuel Roxas]] at anak ni dating Senador [[Gerardo "Gerry" Roxas]].
 +
[[File:Mar Roxas 082014.jpg|thumb|Manuel "Mar" Araneta Roxas II]]
  
 
Bago siya naging senador, nagsilbi siya bilang Kalihim ng [[Kagawaran ng Kalakalan at Industriya]] mula 2000 hanggang 2003. Tumakbo siya bilang Pangalawang Pangulo noong 2009 ngunit natalo kay dating Pangulong [[Jejomar Binay]].<ref name=":2">https://news.abs-cbn.com/nation/06/08/10/final-tally-binay-leads-roxas-700000-votes</ref> Itinalaga siya ni dating Pangulong [[Benigno S. Aquino III|Benigno "Noynoy" Aquino III]] bilang Kalihim ng [[Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon]] mula 2011 hanggang 2012 at Kalihim ng [[Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal]] mula 2012 hanggang 2015.<ref>https://www.loc.gov/item/lcwaN0004417/</ref>
 
Bago siya naging senador, nagsilbi siya bilang Kalihim ng [[Kagawaran ng Kalakalan at Industriya]] mula 2000 hanggang 2003. Tumakbo siya bilang Pangalawang Pangulo noong 2009 ngunit natalo kay dating Pangulong [[Jejomar Binay]].<ref name=":2">https://news.abs-cbn.com/nation/06/08/10/final-tally-binay-leads-roxas-700000-votes</ref> Itinalaga siya ni dating Pangulong [[Benigno S. Aquino III|Benigno "Noynoy" Aquino III]] bilang Kalihim ng [[Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon]] mula 2011 hanggang 2012 at Kalihim ng [[Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal]] mula 2012 hanggang 2015.<ref>https://www.loc.gov/item/lcwaN0004417/</ref>
Line 47: Line 48:
 
Ipinagpatuloy niya ang mga nasimulang programa para sa proteksiyon ng mga mamimili. Siya ang may-akda ng Senate Bill No. 2139 na naglayong pababain ang presyo ng mga gamot. Ipinasa rin niya ang Pre-Need Act of 2005 na naglayong pagbutihin at palakasin ang regulasyon ng industriya at proteksyonan ang interes ng mga mamimili.<ref name=":1" />
 
Ipinagpatuloy niya ang mga nasimulang programa para sa proteksiyon ng mga mamimili. Siya ang may-akda ng Senate Bill No. 2139 na naglayong pababain ang presyo ng mga gamot. Ipinasa rin niya ang Pre-Need Act of 2005 na naglayong pagbutihin at palakasin ang regulasyon ng industriya at proteksyonan ang interes ng mga mamimili.<ref name=":1" />
  
== Suporta kay PNoy ==
+
== Suporta kay Aquino ==
 
Si Roxas ay naging pangulo ng [[Liberal Party]] (LP) noong 2004 at hinirang na standard-bearer para sa posisyon ng pagkapangulo sa [[Halalan 2010]]. Ngunit nang pumanaw ang dating Pangulong [[Corazon Aquino]], maraming nagnais na tumakbo sa pagkapangulo ang anak nitong si Senador Benigno S. Aquino III. Nagpaubaya si Roxas kay Aquino at sa halip ay tumakbo sa pagkapangalawang pangulo.<ref name=":0" />
 
Si Roxas ay naging pangulo ng [[Liberal Party]] (LP) noong 2004 at hinirang na standard-bearer para sa posisyon ng pagkapangulo sa [[Halalan 2010]]. Ngunit nang pumanaw ang dating Pangulong [[Corazon Aquino]], maraming nagnais na tumakbo sa pagkapangulo ang anak nitong si Senador Benigno S. Aquino III. Nagpaubaya si Roxas kay Aquino at sa halip ay tumakbo sa pagkapangalawang pangulo.<ref name=":0" />
  
Line 71: Line 72:
  
 
Noong 2012, namatay sa aksidente ang noo'y Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) na si [[Jesse Robredo]]. Itinalaga ni Aquino si Roxas na kapalit ni Robredo.
 
Noong 2012, namatay sa aksidente ang noo'y Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) na si [[Jesse Robredo]]. Itinalaga ni Aquino si Roxas na kapalit ni Robredo.
 +
[[File:President Benigno S. Aquino III holds a meeting with Cabinet secretaries, DOST-PAGASA, and NDRRMC.jpg|thumb|Pulong kasama ang mga miyembro ng gabinete, DOST-PAGASA, at NDRRMC]]
  
 
Umani ng sari-saring batikos ang pamahalaan ni Aquino mula sa mga Pilipino dahil sa mabagal na pagtugon nito sa malalaking krisis na kinaharap ng bansa tulad ng malakas na lindol sa [[Visayas]], [[Zamboanga siege]], at pananalasa ng [[Bagyong Yolanda]]. Bilang kalihim ng DILG, binatikos ang kakayahan ni Roxas noong Zamboanga siege na nagresulta sa pagkamatay ng 183 rebeldeng Muslim, 18 sundalo, 5 pulis, at 12 sibilyan. Binatikos din siya sa naging tugon ng pamahalaan sa Bagyong Yolanda na lubos na naging mapaminsala sa [[Silangang Visayas]].
 
Umani ng sari-saring batikos ang pamahalaan ni Aquino mula sa mga Pilipino dahil sa mabagal na pagtugon nito sa malalaking krisis na kinaharap ng bansa tulad ng malakas na lindol sa [[Visayas]], [[Zamboanga siege]], at pananalasa ng [[Bagyong Yolanda]]. Bilang kalihim ng DILG, binatikos ang kakayahan ni Roxas noong Zamboanga siege na nagresulta sa pagkamatay ng 183 rebeldeng Muslim, 18 sundalo, 5 pulis, at 12 sibilyan. Binatikos din siya sa naging tugon ng pamahalaan sa Bagyong Yolanda na lubos na naging mapaminsala sa [[Silangang Visayas]].
Line 78: Line 80:
 
== Halalan 2016 ==
 
== Halalan 2016 ==
 
Tumakbo sa pagkapangulo si Roxas noong [[Halalan 2016]]. Si [[Leni Robredo]], noo'y kongresista ng [[Camarines Sur]] at asawa ng namayapang si Jesse Robredo, ang kaniyang pangalawang pangulo. Bilang bahagi ng kaniyang plataporma, ilan sa kaniyang mga isinusulong na batas ang Freedom of Information Bill at Anti-political Dynasty Bill. Nais niya ring ipagpatuloy ang "Daang Matuwid" na sinimulan ni Aquino.<ref name=":5">https://cnnphilippines.com/news/2016/05/04/who-is-mar-roxas-profile.html</ref>
 
Tumakbo sa pagkapangulo si Roxas noong [[Halalan 2016]]. Si [[Leni Robredo]], noo'y kongresista ng [[Camarines Sur]] at asawa ng namayapang si Jesse Robredo, ang kaniyang pangalawang pangulo. Bilang bahagi ng kaniyang plataporma, ilan sa kaniyang mga isinusulong na batas ang Freedom of Information Bill at Anti-political Dynasty Bill. Nais niya ring ipagpatuloy ang "Daang Matuwid" na sinimulan ni Aquino.<ref name=":5">https://cnnphilippines.com/news/2016/05/04/who-is-mar-roxas-profile.html</ref>
 +
[[File:Mar Roxas in a Quezon City LP campaign rally.jpg|thumb|Campaign rally ng Liberal Party noong 2016]]
  
 
Narito ang lagom ng kaniyang plataporma kung siya ay nanalo:<ref name=":5" />
 
Narito ang lagom ng kaniyang plataporma kung siya ay nanalo:<ref name=":5" />

Latest revision as of 13:42, 22 August 2021

Si Manuel "Mar" Araneta Roxas II ay isang Pilipinong politiko na nagsilbi bilang Senador ng Pilipinas mula 2004 hanggang 2010. Siya ay apo ni dating Pangulong Manuel Roxas at anak ni dating Senador Gerardo "Gerry" Roxas.

Manuel "Mar" Araneta Roxas II

Bago siya naging senador, nagsilbi siya bilang Kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya mula 2000 hanggang 2003. Tumakbo siya bilang Pangalawang Pangulo noong 2009 ngunit natalo kay dating Pangulong Jejomar Binay.[1] Itinalaga siya ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III bilang Kalihim ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon mula 2011 hanggang 2012 at Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal mula 2012 hanggang 2015.[2]

Sa kasalukuyan, si Roxas ay masaya sa kaniyang pribadong buhay-pamilya. Ayon sa asawang si Korina Sanchez-Roxas, wala itong planong tumakbo sa darating na Halalan 2022.[3]

Personal na Buhay

Ipinanganak si Mar Roxas noong 13 Mayo 1957 sa Maynila.[4] Siya ay anak nina dating Senador Gerry Roxas mula Capiz at Judy Araneta mula Negros Occidental. Siya ay apo ni dating Pangulong Manuel Roxas, ang unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Mayroon siyang dalawang kapatid na sina Maria Lourdes Ojeda at Gerardo "Dinggoy" Roxas, Jr.

Nakapagtapos si Roxas ng elementarya noong 1970 at sa mataas na paaralan noong 1974 sa Ateneo de Manila. Nakapagtapos siya ng kolehiyo ng ekonomika sa Wharton Business School sa University of Pennsylvania noong 1979.[5][6][7]

Mayroon siyang tatlong anak—sina Paolo, Pepe, at Pilar. Si Paolo Roxas ay anak niya sa dating karelasyon at beauty queen na si Maricar Zaldarriaga.[8] Sina Pepe at Pilar ay kambal na anak nila ng asawang at news anchor na si Korina Sanchez.

Karera Bago Pumasok sa Politika

Mula 1979 hanggang 1986, nagtrabaho si Roxas sa Allen & Company sa New York bilang investment banker at vice president.[5] Noong 1986, nagsimula siyang tumulong sa pamamalakad ng mga negosyo ng kanilang pamilya. Siya ay naging direktor ng Kauswagan Development Corporation, MyapoPrawn Farm Corporation, Northstar Capital Inc., at Atok Big Wedge Mining Co. Naging vice president din siya ng Progressive Development Corporation.[5]

Karera sa Politika

Namatay ang kaniyang kapatid na si Dinggoy sa sakit na kanser noong 1993. Naiwan nito ang posisyon bilang kongresista ng Unang Distrito ng Capiz. Nagpasiya si Roxas na ipagpatuloy ang nasimulan ng kapatid. Nanalo siya bilang kongresista noong 1993 at kinalaunan ay naging Majority Leader ng House of Representatives hanggang 2000.[5]

Bilang Kongresista

Noong siya ay naging kongresista, isinulong ni Roxas ang proteksiyon ng mga mamimili, lalo na ang karapatan ng bawat Pilipino sa murang gamot.

Ilan pa sa kaniyang mga isinulong na batas ang mga sumusunod:

  • RA 8759 – pagtatayo ng Public Employment Service Office sa lahat ng munisipalidad na magsisilbi bilang employment facilitation at information center;[9]
  • RA 8748 – pagsususog sa Special Economic Zone Act upang direktang mapunta sa munisipalidad o lungsod ang 2% ng gross tax na makokolekta mula sa mga establisimyento na matatagpuan sa ecozone at pagbibigay ng disturbance compensation sa mga taong mapapaalis sa o malilipat ng tirahan dahil sa publicly-owned ecozone;[9]
  • RA 8756 – pagbibigay ng insentibo sa pagtatayo ng regional headquarter upang maengganyo ang pamumuhunan at operasyon ng mga multinational na kompanya sa bansa at upang makalikha ng mas maraming trabaho; at[9]
  • RA 7880 – pagkakaroon ng patas na distribusyon ng capital budget sa edukasyon sa lahat ng lalawigan.[9]

Bilang "Mr. Palengke"

Itinalaga siya ni dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada bilang Kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya mula 2000 hanggang 2001. Nagbitiw siya sa posisyon sa kasagsagan ng impeachment trial nito.[5]

Nang maging pangulo ang noo'y Pangalawang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ibinalik niya si Roxas bilang kalihim ng kagawaran. Sa panahong ito nakilala si Roxas bilang "Mr. Palengke."[5]

Isinulong niya ang pagpapaunlad sa "palengke" bilang pundamental na yunit ng ekonomiya. Ilan sa kaniyang mga naging panukala ang mga sumusunod:

  • Edukasyon – Sinimulan niya ang programang Personal Computers for Public Schools (PCPS) at nakapagpamahagi ng 30,000 computer sa 2,000 public high school sa bansa.[9]
  • Kalakalan – Ipinaglaban niya ang mas mataas na market access para sa eksportasyon ng mga Pilipinong produkto habang hindi maaapektuhan ang industriya sa loob ng bansa.[9]
  • Information Technology – Nakita ni Roxas ang potensyal ng bansa na maging global e-services hub. Inilunsad niya ang 'Make IT Philippines' at inorganisa ang unang IT-enabled services (ITES) para sa US. Dahil dito, maraming malalaking kompanya ang namuhunan sa bansa na nakalikha ng libo-libong trabaho para sa mga Pilipino na nasa industriya ng IT. Tinawag si Roxas na 'Ama ng Call Center at Business Process Outsourcing Industries.'[9]
  • Mga Trabaho – Isinulong niya ang muling pagbubukas ng National Steel Corporation na nakapag-bigay ng trabaho at kabuhayan sa mga nakatira sa Iligan City, Hilagang Mindanao, at mga kalapit na rehiyon. Inilunsad niya rin ang Garment Export Industry Transformation Plan and Assistance Package at Motor/Vehicle Development Program upang makalikha ng mas maraming trabaho.[9]
  • MSME – Naniwala si Roxas na ang micro, small, at medium enterprises (MSME) ang pangunahing makina na gumagawa ng mga trabaho at oportunidad. Sa pamamagitan ng programang SMEs Unified Lending Opportunities for National Growth (SULONG), nakapagpahiram sila sa mga ito ng kabuoang halaga na umabot sa 26.7 bilyong piso.[9]
  • Proteksiyon ng mga Mamimili – Itinaguyod niya ang programang Tamang Timbang, Tamang Presyo upang masigurong nasusulit ng mga mamimili ang kanilang ibinabayad at ang Presyong Tama, Gamot Pampamilya upang makapagbigay ng abot-kaya na kalidad na gamot sa mga Pilipino.[9]

Bilang Senador

Tumakbo si Roxas na senador noong 2004 at nakakuha ng 20 milyong boto, ang pinakamaraming botong nakuha ng isang kandidato sa halalan sa Pilipinas.[9]

Ipinagpatuloy niya ang mga nasimulang programa para sa proteksiyon ng mga mamimili. Siya ang may-akda ng Senate Bill No. 2139 na naglayong pababain ang presyo ng mga gamot. Ipinasa rin niya ang Pre-Need Act of 2005 na naglayong pagbutihin at palakasin ang regulasyon ng industriya at proteksyonan ang interes ng mga mamimili.[9]

Suporta kay Aquino

Si Roxas ay naging pangulo ng Liberal Party (LP) noong 2004 at hinirang na standard-bearer para sa posisyon ng pagkapangulo sa Halalan 2010. Ngunit nang pumanaw ang dating Pangulong Corazon Aquino, maraming nagnais na tumakbo sa pagkapangulo ang anak nitong si Senador Benigno S. Aquino III. Nagpaubaya si Roxas kay Aquino at sa halip ay tumakbo sa pagkapangalawang pangulo.[5]

Nang magbitiw ang campaign manager ni Aquino na si Senador Sergio Osmeña III, nagdesisyon si Roxas na higit na pagtuunang-pansin ang pangangampanya ni Aquino. Naging panatag siya sa sariling kampanya dahil batay sa mga survey, malaki ang lamang niya kina Jejomar Binay at Loren Legarda sa pagkapangalawang pangulo.

Naging abala si Roxas sa pakikipagpulong sa mga tauhan araw-araw upang maplano ang mga gagawing pangangampanya ni Aquino. Nakakasama lamang siya sa mga kampanya sa hapon. Huli na nang mapansin nila ang unti-unting pagtaas ni Binay sa mga survey.[10]

Halalan 2010

Nanalo ang pambato ng Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) at noo'y alkalde ng lungsod ng Makati na si Jejomar Binay sa posisyon ng pangalawang pangulo. Nakakuha siya ng 14,645,574 boto. Nakakuha naman ng 13,918,490 boto si Roxas. Usap-usapan na nanalo si Binay dahil ikinampanya ng mga kamag-anak ni Aquino, partikular ang mga Cojuangco, ang Noy-Bi tandem lalo na sa Mindanao.[1]

Nagpasa ng apela si Roxas na huwag munang iproklama ang nanalong kandidato sa pagkapangalawang pangulo dahil sa mga anomalya sa resulta ng botohan. Nais ng LP na ipasuri kung tunay at hindi minanipula ang resulta ng automated na halalan dahil sa dikit na laban sa pagitan nina Roxas at Binay, lalo na sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sa isang press conference, sinabi ng LP IT expert na si Antonon Bonifacio ang mga sumusunod na anomalyang kanilang nakita:

  • mataas na voter turnout sa mga lalawigang panalo si Binay;
  • mataas na bilang ng null vote sa mga lalawigang nanalo si Roxas; at
  • iregular na timeline dahil sa maagang pagsasara ng mga presinto at kaduda-dudang pagpapadala ng mga boto.

Inihalintulad ng LP campaign manager na si Butch Abad ang nangyaring pagpapalobo ng boto sa kontrobersiyang "Hello, Garci" na kinasangkutan ni dating Pangulong Arroyo noong Halalan 2004. Matatandaang nagpasa rin ng apela noon ang namayapang si Fernando Poe, Jr. na kandidato sa pagkapangulo.[11]

Termino ni Aquino

Isang taon mula nang matalo si Roxas sa halalan, itinalaga siya ng noo'y Pangulong Aquino bilang Kalihim ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon. Isa siya sa naging pinakamalapit na tagapayo nito sa iba't ibang isyu.

Noong 2012, namatay sa aksidente ang noo'y Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) na si Jesse Robredo. Itinalaga ni Aquino si Roxas na kapalit ni Robredo.

Pulong kasama ang mga miyembro ng gabinete, DOST-PAGASA, at NDRRMC

Umani ng sari-saring batikos ang pamahalaan ni Aquino mula sa mga Pilipino dahil sa mabagal na pagtugon nito sa malalaking krisis na kinaharap ng bansa tulad ng malakas na lindol sa Visayas, Zamboanga siege, at pananalasa ng Bagyong Yolanda. Bilang kalihim ng DILG, binatikos ang kakayahan ni Roxas noong Zamboanga siege na nagresulta sa pagkamatay ng 183 rebeldeng Muslim, 18 sundalo, 5 pulis, at 12 sibilyan. Binatikos din siya sa naging tugon ng pamahalaan sa Bagyong Yolanda na lubos na naging mapaminsala sa Silangang Visayas.

Ngunit nakaligtas siya sa pinakamalaking isyu sa ilalim ng termino ni Aquino—ang Oplan Exodus na nagresulta sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF). Bagaman siya ang tagapangulo ng National Police Commission, nalaman niya lamang ang tungkol sa operasyon nang dumating ang balita tungkol sa mga nasawing sundalo. Dahil dito, pinayuhan siya ng kaniyang mga kaibigan at taga-suporta na magbitiw na sa tungkulin bilang kawani ng DILG. Ngunit hindi siya nagpatinag at sinuportahan pa rin si dating Pangulong Aquino.[10]

Halalan 2016

Tumakbo sa pagkapangulo si Roxas noong Halalan 2016. Si Leni Robredo, noo'y kongresista ng Camarines Sur at asawa ng namayapang si Jesse Robredo, ang kaniyang pangalawang pangulo. Bilang bahagi ng kaniyang plataporma, ilan sa kaniyang mga isinusulong na batas ang Freedom of Information Bill at Anti-political Dynasty Bill. Nais niya ring ipagpatuloy ang "Daang Matuwid" na sinimulan ni Aquino.[12]

Campaign rally ng Liberal Party noong 2016

Narito ang lagom ng kaniyang plataporma kung siya ay nanalo:[12]

  1. Pamamahala
    • "Daang Matuwid"
    • pinalawak na bottom-up budget
  2. Ekonomiya
    • mas maraming trabaho sa BPO-IT
    • pag-unlad ng turismo
    • pagsugpo sa kahirapan sa pamamagitan ng 4Ps
  3. Kapayapaan
    • pagpapataw ng parusa sa mga kriminal
    • kaligtasan sa mga sakuna at krimen

Nanalo ang noo'y alkalde ng lungsod ng Davao na si Rodrigo Duterte sa halalan at naging ika-16 na pangulo ng Pilipinas. Anim na milyong boto ang naging lamang niya kay Roxas. Tinanggap ni Roxas ang pagkatalo at hiniling ang tagumpay ni Duterte.[13] Si Robredo naman ang nanalo sa pagkapangalawang pangulo.[14]

Halalan 2019

Sinubukan ni Roxas na makabalik sa panunungkulan sa pamahalaan sa Halalan 2019. Tumakbo siya bilang kandidato sa pagkasenador. Ngunit tatlong linggo siyang natigil sa pangangampanya dahil kinailangan niyang mangibang bansa upang makasama ang bagong silang na kambal na anak nila ng asawa.

Isang buwan bago ang eleksyon, bumaba ang kaniyang ranggo sa mga survey at nawala sa listahan ng "Magic 12." Ngunit hindi nagpatinag si Roxas at sinabing pagbubutihin na lamang ang pangangampanya. Hindi niya rin pinagsisisihan ang oras na iginugol niya upang makasama ang pamilya.[15]

Natuto na umano si Roxas sa mga nangyari noong 2016. Sa kaniyang pangangampanya sa pagkasenador, hindi na siya ang standard-bearer ng LP at hindi na rin niya babanggitin ang pagpapatuloy ng "Daang Matuwid." Ang kaniyang slogan, "Mar Roxas, Ekonomista sa Senado." Mag-isa siya sa karamihan ng kaniyang pangangampanya kahit pa bahagi siya ng Otso Diretso senatorial ticket.[16]

Pagkatapos mabilang ang lahat ng boto, nakakuha lamang si Roxas ng 9.84 milyong boto na naglagay sa kaniya sa ika-16 na puwesto. Sa ikatlong pagkakataon, natalo siya sa halalan. Wala ring ibang kandidato ng oposisyon ang nanalo sa pagkasenador.[17][18]

Halalan 2022

May mga nagtatanong kung tatakbo bang muli si Roxas sa nalalapit na Halalan 2022. Ayon kay Senador Francis "Kiko" Pangilinan, kasalukuyang pangulo ng LP, masaya na umano si Roxas sa buhay sa labas ng politika.[19] Ayon din kay Korina Sanchez-Roxas, walang planong tumakbo sa darating na halalan ang asawa.[3]

Lehislasyon

Bilang Kongresista

Noong siya ay kongresista, naghain siya ng 161 panukalang-batas kung saan 14 dito ang naisabatas. Ilan sa mga batas na siya ang may-akda ay ang mga sumusunod:[5]

  • RA 8557 – pagtatayo ng Judicial Academy of the Philippines,
  • RA 8424 – pagsususog sa National Internal Revenue Code,
  • RA 8179 – pagluluwag sa pamumuhunan ng mga banyaga sa bansa,
  • RA8366 – pagluluwag sa Philippine Investment House Industry,
  • RA 8484 – labag sa batas ang panlolokong paggamit ng credit card,
  • RA 8479 – Oil Deregulation Act,
  • RA 9006 – Fair Elections Act,
  • RA 8748 – Special Economic Zone Act,
  • RA 8799 – Securities Regulation and Enforcement Act, at
  • RA 8981 – pagtatatag ng Professional Regulation Commission.

Bilang Senador

Noong siya ay senador, naghain siya ng 43 panukalang-batas at 46 resolusyon. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:[5]

  • RA 8759 – Public Employment Service Act of 1999;
  • RA 8748 – Act Amending the Special Economic Zone of 1995;
  • RA 8756 – Act Amending the Omnibus Investments Code of 1987;
  • Senate Bill No. 104 – Amending the Fair and Equitable Access to Adeucation Act;
  • Senate Bill No. 105 – Pre-need Industry Act of 2007;
  • Senate Bill No. 106 – Anti-smuggling Act of 2007;
  • Senate Bill No. 107 – Lemon Law of 2007;
  • Senate Bill No. 108 – Magna Carta for Micro, Small, and Medium Enterprises;
  • Senate Bill No. 109 – Free Information Act;
  • Senate Bill No. 110 – Penalty of Imprisonment in Libel Cases Abolition Bill; at
  • Senate Bill No. 101 – Law on patents, Tradenames, and Trademarks.

Mga Pagkilala

Natanggap ni Roxas ang mga sumusunod na pagkilala:[5]

  • "one of the Global Leaders of Tomorrow who are expected to shape the future" mula sa World Economic Forum noong 1996
  • "Political Leader of the New Millenium" mula sa AsiaWeek Magazine noong 1999
  • Awardee, 16th Lee Kuan Yew Fellow mula sa pamahalaan ng Singapore
  • E-champion Award mula sa E-services Philippines noong 2007
  • Awardee, Palanca Awards Gawad Dangal ng Lahi noong 18 Setyembre 2007

Mga Sanggunian

  1. 1.0 1.1 https://news.abs-cbn.com/nation/06/08/10/final-tally-binay-leads-roxas-700000-votes
  2. https://www.loc.gov/item/lcwaN0004417/
  3. 3.0 3.1 https://mb.com.ph/2021/06/16/will-mar-roxas-ii-run-in-2022-wife-korina-sanchez-roxas-reacts/
  4. https://cnnphilippines.com/news/2016/05/04/who-is-mar-roxas-profile.html
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 5.6 5.7 5.8 5.9 https://news.abs-cbn.com/botomo/05/13/09/profile-manuel-mar-ii-araneta-roxas
  6. https://www.rappler.com/nation/elections/mar-roxas-wharton-degree
  7. https://www.rappler.com/nation/elections/mar-roxas-wharton-graduate-duterte
  8. https://newsinfo.inquirer.net/898448/look-paolo-roxas-graduates-from-yale-korina-proud-tita
  9. 9.00 9.01 9.02 9.03 9.04 9.05 9.06 9.07 9.08 9.09 9.10 9.11 https://legacy.senate.gov.ph/senators/sen_bio/roxas_bio.asp
  10. 10.0 10.1 https://www.rappler.com/nation/elections/mar-roxas-2016-profile
  11. https://news.abs-cbn.com/nation/06/03/10/roxas-camp-claims-garci-touched-pcos
  12. 12.0 12.1 https://cnnphilippines.com/news/2016/05/04/who-is-mar-roxas-profile.html
  13. https://newsinfo.inquirer.net/784800/roxas-concedes-defeat-i-wish-you-success-mayor-duterte
  14. https://cnnphilippines.com/news/2016/05/27/official-count-duterte-president-robredo-vp.html
  15. https://www.rappler.com/nation/elections/roxas-lower-survey-ranking-reaction-family-first
  16. https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/mar-roxas-seeks-defeat-ghost-2016-bid-elections-2019
  17. https://www.rappler.com/nation/elections/mar-roxas-message-defeat-elections-2019
  18. https://news.abs-cbn.com/news/05/22/19/mar-roxas-says-to-learn-work-love-some-more-after-election-loss
  19. https://news.abs-cbn.com/news/06/22/21/pangilinan-to-seek-senate-re-election-in-2022-mar-bam-still-undecided

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.