Manny Piñol

From Wikfilipino
Revision as of 12:18, 28 February 2022 by Mrmagcamit (talk | contribs) (Created page with "Si '''Emmanuel''' “'''Manny” Fantin Piñol''' ay isang Pilipinong lingkod-bayan, peryodista, manunulat, at tagasulong ng agrikultura at negosyong pang-agrikultura. Siya a...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si EmmanuelManny” Fantin Piñol ay isang Pilipinong lingkod-bayan, peryodista, manunulat, at tagasulong ng agrikultura at negosyong pang-agrikultura. Siya ay kabilang sa gabinete ni Pangulong Rodirgo Duterte bilang tagapangulo ng Mindanao Development Authority (2019–2021) at Secretary of Agriculture (2016–2019).

Si Piñol ay kumakandidato bilang senador sa Halalan 2022 sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition.

Si Many Piñol ay isinilang noong 16 Disyembre 1953 sa Bialong, M’lang sa Lalawigan ng Cotabato. Siya ang ikalawang anak sa 11 magkakapatid. Siya ay namuhay sa bukirin na pagmamay-ari ng kaniyang pamilya bago nagtrabaho sa media noong 1976. Nagtrabaho siya bilang disc jockey sa DXCM, estasyon ng radyo ng Universidad ng Mindanao, at tagapagbalita sa radyo para sa DXMS sa Lungsod ng Cotabato.

Nagsimulang magtrabaho sa gobyerno si Piñol bilang public relations officer sa National Grains Authority noong 1978. Sa taon ding iyon, naging editor siya ng Philippine News Agency kung saan nagtrabaho siya sa loob ng apat na taon. Naging senior copy editor at sports columnist din siya sa pahayagang Tempo.

Si Piñol ay nagtapos sa University of Southern Mindanao ng kursong Development Communication (2006) at master’s degress sa Rural and Economic Development (2008).

Sanggunian

https://pfda.gov.ph/images/keyofficers/Pinol.pdf. Accessed 28 Pebrero 2022.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.