Manny Pacquiao

From Wikfilipino
Revision as of 03:55, 1 October 2021 by Gmallorca (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Si Emmanuel “Manny” Dapidran Pacquiao o Pacman ay isang Pilipinong propesyonal na boksingero at politiko. Kinikilala siya bilang pinakamahusay na boksingero sa buong mundo. Siya ang kauna-unahang kampeon ng walong weight division,[1] nanalo ng sampung titulo at unang nakakamit ng panalo sa Lineal Championship sa limang magkakaibang dibisyon.[2]

Siya ay kasalukuyang nanunungkulan bilang senador ng Pilipinas at inaasahan ang pagtakbo niya bilang Pangulo ng Pilipinas sa Halalan 2022.

Personal na Buhay

Si Manny Pacquiao ay ipinanganak noong 17 Disyembre 1978 sa Kibawe, Bukidnon. Siya ay anak ni Rosalio Pacquiao at Dionisia Dapidran-Pacquiao na may payak na pamumuhay. Ang kaniyang mga magulang ay naghiwalay noong siya ay nasa Baitang 6, matapos nadiskubre ng kaniyang ina na ang kaniyang ama ay nakikipamuhay sa ibang babae. Siya ay ikaapat sa anim na magkakapatid.[3]

Pinakasalan ni Pacquiao si Jinkee Jamora noong 10 Enero 2000 at nagkaroon ng limang anak. Sa kasalukuyan, siya ay tumira sa Lungsod ng General Santos, South Cotabato.[4] Gayunman, bilang kongresista ng kaisa-isang distrito ng Sarangani, siya ay opisyal na naninirahan sa Kiamba, Sarangani kung saan ang kanyang asawa na si Jinkee ay tirahan niya.

Edukasyon

Si Pacquiao ay nakumpleto ang kanyang edukasyong pang-elementarya sa Saavedra Saway Elementary School sa General Santos City, pero iniwan niya ang high school dahil sa matinding kahirapan. Iniwan nya ang kanyang tahanan sa edad na 14 dahil sa ina na hindi magawang sapat ang pera para suportahan ang kanyang pamilya.

Karera sa Palakasan

Boksing

Sa edad na 14, si Pacquiao ay lumipat ng Maynila para sumali sa boksing bilang amateur. Noong 1995, ang pagkamatay ng kanyang minimithi at malapit na kaibigan na si Eugene Barutag ay naging nag-udyok sa kanya, noong binatilyo, para ipagpatuloy ang kanyang propesyonal na karerang boksing.

Binansagan si Pacquiao ng Fighter of the Decade noong dekada 2000 ng Boxing Writers Association of America (BWAA), World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO). Siya rin ay tatlong beses naging Fighter of the Year sa mga taong 2006, 2008 at 2009 ng The Ring at BWAA. Best Fighter ESPY Award rin sya noong 2009 at 2011.[5]

Si Pacquiao ay may titulong Kampeon ng IBO World Junior Welterweight, Kampeon ng WBC World Lightweight, Kampeon ng The Ring World Junior Lightweight, Kampeon ng WBC World Super Featherweight, Kampeon ng The Ring World Featherweight, Kampeon ng IBF World Junior Featherweight at Kampepn ng WBC World Flyweight. Siya din ay isang WBC Emeritus Champion, WBC Diamond Champion at WBO Super Champion.

Pinatumba at tinalo na ni Pacquiao ang mga boksingero na sina Chatchai Sasakul, Lehlohonolo Ledwaba, Marco Antonio Barrera, Juan Manuel Márquez, Érik Morales, Óscar Larios, Jorge Solís, David Díaz, Oscar De La Hoya, Ricky Hatton, Miguel Cotto, Joshua Clottey, Antonio Margarito at Shane Mosley.

Basketbol

Noong April 2014, inanunsyo ni Pacquiao ang kanyang balak na sumali sa Philippine Basketball Association (PBA) bilang coach ng Kia Motors.

Karera sa Politika

Noong Pebrero 2007, opisyal na inanunsyo ni Pacquiao na gustong tumakbo bilang miyembro ng Bahay Kongresista (House of Representatives) para sa halalan sa Mayo 2007, kumakatawan sa unang distrito ng South Cotabato. Siya ay tumakbo bilang Partido Liberal (Liberal Party). Pero natalo siya ng kanyang kalaban na si Darlene Antonino-Custodio.

Noong 2009, kinumpirma ni Pacquiao na tumakbo muli bilang kongresista, pero sa oras na ito ay sa Sarangani. Noong May 13, 2010, si Pacquiao ay opisyal na prinoklama bilang kongresista ng kaisa-isang distrito ng Sarangani. Siya ay nakakuha ng 120,052 boto laban sa kanyang kalaban na si Roy Chongbian na nakakuha ng 60,899 na boto.

Noong 2013, si Pacquiao ay nanalo sa ikalawang termino niya sa pagka-kongresista sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na pinangunahan ni Bise-Presidente Jejomar Binay.[6] [7]At noong 2015, idineklara ni Pacquiao na tumakbo bilang senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) sa pamumuno ni Binay.

Kontrobersiya

Si Pacquiao ay nahaharap ng iba't ibang kontrobersiya tulad ng kasong pag-iwas ng buwis (tax evasion case) at pahayag sa LGBTQ at same-sex marriage.

Noon Pebrero 2016, nagbigay si Pacquiao ng kanyang pahayag sa TV5 Network tungkol sa same-sex marriage. Inilarawan ni Pacquiao ang same-sex marriage na "mas masahol kaysa sa mga hayop" dahil ang mga hayop sa pangkalahatan ay hindi sila nagkaroon ng pagsasama sa parehong kasarian. Kinondena nina Vice Ganda, Aiza Seguerra, Boy Abunda at ang grupong Ladlad ang pahayag niya.

Mga Panlabas na Kawing

Mga Sanggunian

  1. Mark Lamport-Stokes (2010-11-14). "Eighth world title gives Pacquiao unique status." Reuters. Nakuha noong 14 Nobyembre2010.
  2. Bryan Armen Graham (2009-05-04). "Beatdown of Hatton lifts Pacquiao into pantheon of all-time greats". CNN Sports Illustrated. Nakuha noong 15 Marso 2010.
  3. Robbie Pangilinan (November 9, 2009). "Manny Pacquiao's Mom and Dad Reunited?". Doghouse Boxing. Nakuha noong March 15,2010.
  4. "canadastarboxing.com, Profile and Bio". Canadastarboxing.com. Tinago mula sa orihinal noong March 29, 2010. Nakuha noong May 9, 2011.
  5. Himmer, Alastair (5 Hunyo 2010). "Pacquiao named fighter of the decade". Reuters.
  6. "Pacquiao bolts Aquino's LP for Binay's PDP-Laban". gmanetwork.com. GMA News. April 16, 2012. Nakuha noong April 17,2012.
  7. Espejo, Edwin (October 5, 2015). "It's official: Pacquiao running for senator". Rappler. Nakuha noong February 9, 2016.