Difference between revisions of "Malaria Awareness Month"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
(Created page with "Sa pamamagitan ng Proclamation No. 1168, itinalaga ang Nobyembre bilang '''Malaria Awareness Month''' sa Pilipinas. Idineklara ito noong ika-10 ng Nobyembre 2006 bilang pa...")
 
 
Line 32: Line 32:
 
{{WikiFilipino Nilalaman}}
 
{{WikiFilipino Nilalaman}}
 
[[Kategorya:Kasaysayan at Pangyayari]]
 
[[Kategorya:Kasaysayan at Pangyayari]]
 +
[[Category:Mga Pagdiriwang]]
 +
[[Category:Siyensiya at Teknolohiya]]
 +
[[Category:Kalusugan]]

Latest revision as of 10:46, 24 February 2021

Sa pamamagitan ng Proclamation No. 1168, itinalaga ang Nobyembre bilang Malaria Awareness Month sa Pilipinas. Idineklara ito noong ika-10 ng Nobyembre 2006 bilang pagtibayin ang pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa sakit na malaria.

Malaria

Ang sakit na Malaria ang ika-walo sa pangunahing dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas. Maaaring dumapo ang sakit na ito sa iba't ibang grupo ng tao.

Layunin

Layunin ng Malaria Awareness Month na maipalaganap ang impormasyon tungkol sa naturang sakit, kung paano ito maiiwasan at paano magkakaroon ng lunas. Isa rin sa mga dahilan kung bakit pinapaigting ang pagpapalaganap tungkol sa sakit na ito ay dahil sa animnapu at limang probinsya sa Pilipinas ang naitalang may mga kaso ng pagkakaroon ng Malaria. Kasama sa mga layunin ng Millenium Development Goals ng pamahalaang Arroyo ang pagsugpo sa mga sakit tulad ng HIV/AIDS, Malaria at iba pa. Inaasahang sa taong 2015 ay masusugpo na ang paglaganap ng malaria sa bansa.

Mga kabalikat

Kabalikat ng Kagawaran ng Kalusugan ang World Health Organization at UNICEF Regional Child Survival Strategy sa papapatupad ng mga layunin sa pagpuksa sa malaria. Naging programa ng UNICEF ang ang pagbibigay ng Essential Package for Child Survival, kung saan mayroong kalakip na kulambo na nilagyan ng gamot laban sa lamok para sa mga pamilyang mayroong mga bata.

Mga paraan

Ilan sa mga nakikitang paraan upang maiwasan at mabawasan ang mga kaso ng malaria sa bansa ay ang maagang pagtukoy sa sakit at pagbibigay ng karampatang lunas. Isa rin sa mga paraan upang mabawasan ang mga kaso ng sakit ay ang pagpapanatiling malinis ang paligid at paniniguradong mayroong mga kulambo at iba pang mga gamit na maaaring maging panlaban sa mga lamok na nagdadala ng malaria.

Batas

Ayon sa Republic Act No. 7161, na kilala rin sa tawag na Local Government Code, binibigyan ang bawat lokal na pamahalaan ng gamit upang maipatupad ang serbisyo sa pagpapalaganap ng lunas para sa sakit. Katuwang ng mga lokal na pamahalaan ang Kagawaran ng Kalusugan upang masiguro ang pagbibigay ng karampatang serbisyo medikal para sa mga naapektuhan ng sakit.

Nobyembre

Pinili ang buwan ng Nobyembre bilang Malaria Awareness Month ayon sa panukala ng mga Regional Coordinator ng mga opisinang pangkalusugan at mga lokal na pamahalaan. Sa buwang ito ginaganap ang mga programa tulad ng National Malaria Control Program upang magkaroon ng mas epektibong pagsugpo sa sakit na malaria.

Mga Sangay ng Pamahalaan

Ang mga sangay ng pamahalaan na magiging bahagi ng pagpapatibay ng programa para sa Malaria Awareness Month ay ang Kagawaran ng Kalusugan, Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, Kagawaran ng Edukasyon at Kagawaran ng Depensa. Pangunahing ahensya ang Kagawaran ng Kalusugan na siyang gagawa at magpapatupad ng mga layunin at patakaran sa kaganapan ng Malaria Awareness month, gayon din ang pagbibigay ng tulong sa mga lokal na pamahalaan at iba pang mga organisasyon na katuwang sa pagpapatupad ng mga programa. Ang Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan ang magpapamahagi ng impormasyon at magbibigay ng tulong para sa mga kampanya sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa malaria. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay naatasang isama ang kaalaman sa malaria sa mga kurikulum sa eskwelahan upang maibahagi ang impormasyon sa mga estudyante at kabataan.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Kategorya:Kasaysayan at Pangyayari