Main Page

From Wikfilipino
Revision as of 02:37, 22 December 2020 by Allopez (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search
WIKIFILIPINO.png
Tuloy kayo sa WikiFilipino
5,070 artikulo sa Filipino at dumarami....
Quincentenario Banner.svg

Sumali sa Komunidad ng Wiki

Gabay sa pagsusulat sa Wiki

Tampok na Artikulo

edit



Ang Pambansang Buwan ng Pamana (National Heritage Month) ay ipinagdiriwang sa Pilipinas tuwing Mayo sa bisa ng Atas ng Pangulo Proklamasyon Blg. 439. Layunin ng pagdiriwang na magkaroon ang mga Pilipino ng kamalayan, paggalang, at pagmamahal sa mga pamanang kultural ng ating kasaysayan.

Para sa 2021, ang Pambansang Buwan ng Pamana ay may temang “Victory and Humanity: Upholding Filipino Heritahe and Identity” bilang pakikiisa sa komemorasyon ng ika-500 taong anibersaryo ng Tagumpay sa Mactan at ang ika-500 taong anibersaryo ng pagiging bahagi ng Pilipinas ng unang sirkumnabegasyon sa mundo.


Protagonista

edit

Sa Noli Me Tangere, si Maria Clara ay ipinakilala bilang nag-iisang anak nina Kapitan Tiago at Donya Pia Alba. Ngunit taliwas sa itsura ng pinaniniwalaang ama, siya ay ipinanganak na mestisa. Nang magdalaga, marami ang humanga sa taglay na kagandahan ni Maria Clara, idagdag pa rito ang karangyaan ng kaniyang pamilya. Si Maria Clara bilang babae ay bahagi pa rin ng ating kasalukuyan—na dumaan din sa maraming hamon at pagbabago. Halimbawa nito ang mga pagbabagong naidulot sa kababaihang Pilipino nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas. Naging makabago ang pagiisip ng mga itinuturing nating Maria Clara nang mabigyan sila ng pagkakataon na makapag-aral at mapaunlad ang sarili. Muling nakita ang kahalagahan ng kababaihan sa panahong iyon kaya ginamit ang kakayahan ng mga babae sa pagtataguyod ng edukasyon at negosyo. Tila muling naging kabahagi ng lipunan ang kababaihang Pilipino.

Taas-Noo Pilipino

edit


Maraming manggagawang Pilipino ang mas pinipiling magtrabaho sa ibang bansa. Mas kilala sa tawag na Overseas Filipino Worker (OFW), ang mga manggagawang ito ay may malaking ambag sa ekonomiya ng ating bansa. Sila ay kabilang sa mga tinatawag nating “makabagong bayani.” Batay sa Survey on Overseas Filipinos na sinarbey mula Abril hanggang Setyembre 2019, tinatayang 2.2 milyon ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang kinikita ng mga OFW ay may malaking ambag sa ating ekonomiya. Ang kanilang remittance o ipinadadalang pera sa kani-kanilang pamilya sa Pilipinas ay may malaking ambag sa kabuoang gross domestic product (GDP) ng bansa. Noong Disyembre 2020, umabot sa $3.20 bilyon ang naipadala ng mga OFW sa Pilipinas.


Tatak Pinoy!

edit

Sa Ilokano, ang tabungaw ay salakot na gawa sa pinatuyong kalabasa. Tabungaw rin ang tawag ng mga Ilokano sa úpo (gulay). Sa mga gumagawa ng tabungaw sa Hilagang Luzon, natatangi ang husay ni Teofilo Garcia. Una na rito ay ang paggamit niya ng isang uri ng upo na malaki at pabilog bilang pinakakatawan ng kaniyang salakot. Likhang-kamay ang lahat ng bahagi ng tabungaw. Ang ibabaw na kalahati ng upo ang ginagamit ni Mang Teofilo sa paggawa nito. Naglalala naman siya ng mga hibla ng yantok bilang panloob ng tabungaw.


Tampok na Video

edit



Ang Pista ng Obando, tinatawag ding Sayaw sa Obando o Obando Fertility Dance Festival, ay tatlong araw na kapistahan tuwing Mayo sa Bayan ng Obando, Bulacan bilang pagkilala sa kanilang tatlong patron na sina San Pascual Baylon, Santa Clara, at Nuestra de Señora de Salambao na nakatanghal sa Simbahan ng Obando.

Ang pista ay idinaraos kada taon tuwing Mayo 17, 18, at 19. Nagiging abala ang mga pangunahing lansangan ng Obando sapagkat ang mga mamamayan nito mula sa 11 barangay—Tawiran, Paco, Lawa, San Pascual, Paliwas, Binuangan, Salambao, Pag-asa, Catanghalan, at Pangulo—ay masayang nakikiisa sa pagdiriwang.

Pamahalaan at Mamamayan

edit

Sa pagtuturo ukol sa kasaysayan ng Pilipinas, natutuhan ng mga mag-aaral ang tungkol sa kung paano pinilas ni Andres Bonifacio at ng ilang kasapi ng Katipunan ang kanilang sedula bilang tanda ng kanilang pag-aaklas at ng kanilang determinasyon na labanan ang mga Espanyol.

Ang sedula, o katibayan ng pagbabayad ng buwis, ay kilala bilang sertipiko ng pagkakakilanlan. Pinatutunayan nito kung saan nakatira ang isang mamamayan at kung gaano kalaki ang taunan nitong kita. Sa pamamagitan ng sedula, matutukoy ng munisipalidad o ng lokal na pamahalaan kung magkano ang makokolekta nilang buwis sa isang pamayanan.

Alam mo ba...

edit

Bilang bahagi ng pagsusulong ng ating pamahalaan sa Programa sa Pagbuo ng Halagahang Pilipino, ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ay nagsagawa ng mga pananaliksik upang matukoy ang iba’t ibang halagahan (values) na nagpapatibay sa lipunang Pilipino. Ang pananaliksik ay ganap na naisakatuparan sa loob ng isang taon sa tulong ng iba’t ibang institusyon.

Ang kanilang pananaliksik ay may layuning masagot ang tanong na: “Ano ang mahalaga sa mga Pilipino?” o “Ano ang pinahahalagahan ng mga Pilipino sa kasalukuyan?.” Ang pagsasarbey at paglulunsad ng mga Focus Group Discussion (FGD) ay isinagawa sa buong Pilipinas kung saan nilahukan ito ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang lugar at sektor. Bahagi rin ng pananaliksik na ito na unawain kung bakit ang mga halagahang ito ay mahalaga sa mga Pilipino. Ang mga halagahang natukoy sa pananaliksik ay makatutulong sa implementasyon ng AmBisyon Natin 2040.

Talas Salita

edit

"Fotobam"

Ang fotobam ay ang salitang lahok propesor at historyador na si Michael Charleston B. Chua sa programang Sawikaan: Salita ng Taon noong 2016. Sa simpleng pakahulugan ni Chua, ang fotobam ay ang “pagsama sa litrato na hindi ka dapat kasama.” Naiuugnay rin ito sa mga salitang “panira” at “wala sa lugar.”

“Organic” ang pagsasalarawan ni Chua sa baybay na “fotobam” dahil ayon sa kaniyang paliwanag, walang salitang “photo” sa Filipino, ang salitang “foto” naman ay nasa wikang Spanish. Hindi lamang sa pagkuha ng personal na selfie o groupie nagaganap ang fotobam dahil kapag pumunta raw sa Luneta Park at magpapapiktur sa monumento ni Jose Rizal ay makikita ang itinuturing na “pambansang fotobam”—ang Torre de Manila.

'

Mga Epesyal na Pórtal

edit

Battlle and revolts.svg Aklas
Himagsikan, Pag-aalsa, at Labanan
Fiesta Philippine Feasts.svg Pista
Piyesta Opisyal ng Pilipinas
Moda Philippine Fashion and Style.svg Moda
Estilo ng pananamit, Pagpapaganda, at Pagkilos
Ph education.svg Edukasyon
Edukasyon sa Pilipinas
Philippine myths and legends.svg Panitikang Pilipino
Panitikan ng Pilipinas
Komiks The Philippine Komikopedia.svg Komiks
Mundo ng Komiks
Musika Original Pilipino Music.svg Musika
Original Pilipino Music
Ph online-travel-guide.svg Travel Guide
Tara na’t tuklasin ang ganda ng ating bansa!
Barangay-06.svg Mga Pambansang Pagkilala
Marapat na kilalanin at parangalan ang mga natatanging Pilipino
Kusina Unique Filipino Food.svg Kusina
Tikman ang mga pagkain at lutuing Pilipino
Ph Cinemapedia.svg Pelikula
Panoorin ang mga natatanging pelikulang Pilipino
Encyclopedia-Filipina.svg Kababaihang Pilipino
Mabuhay ang mga Eba!
Philippine Childrens litreture.svg Chikiting
Balik-balikan ang mga kuwentong naging bahagi ng iyong pagkabata.
Laro Traditional Philippine Games.svg Laro
Matagal nang kilala ang mga Pilipino sa pagiging matalino at mapamaraan.
Ph joserizal-encyclo.svg Rizaliana
Gaano mo kakilala si Jose Rizal?l
Ph-memorabilia.svg Nostalhiya
Halina’t maglakbay pabalik sa nakaraan
Etniko Philippine Ethnic Groups.svg Etniko
Etnolinggwistikong grupo sa Pilipinas.
Libro Filipiniana Books Collection.svg Libro
Bakit hindi mo subukang basahin ito?
Ph TV series.svg Teleserye
Mga teleseryeng Pilipino!
Ph flora-fauna.svg Flora at Fauna
Flora at Fauna ng Pilipinas