Maalaala Mo Kaya
Jump to navigation
Jump to search
Ang Maalaala Mo Kaya o MMK ay isang Pilipinong dramang pantelebisyon na unang pinalabas noong 1991. Ito ang pinamatagal na pinapalabas na antolohiyang drama sa Pilipinong telebisyon. Ang MMK ay 28 taon nang pinapapalabas sa ABS-CBN at hinohost ni Charo Santos-Concio. Pinapalabas ito kada Sabado mula 7:10 hanggang 8:45PM sa ABS-CBN, at tuwing mapapakinggan sa radyo ang Maalaala Mo Kaya sa DZMM ngayong Lunes hanggang Biyernes mula 2:30 hanggang 3:00PM sa DZMM Radyo Patrol 630Khz.
Mga tanyag na mga Episode
- "Regalo":kinatampukan ni Vilma Santos at Maja Salvador.
- "Rubber Shoes": Ang unang episode ng MMK na kinatampukan nila Romnick Sarmenta at Vina Morales.
- "Abo": Nagpanalo kay Roderick Paulate ng Best Actor na parangal sa Asian TV Awards.
- "Song book":Nagpanalo kay Aiza Seguerra ng Best Actress na parangal sa Asian TV Awards.
- Maalaala Mo Kaya: The Movie: Pinalabas noong 1994 sa ilalalim ng Star Cinema, Kinabibilangan ito nila Aiko Melendez, Richard Gomez at Chin Chin Gutierrez.
- "Rehas": Nagpanalo kay Gina Pareño bilang Best Actress sa isang pangtatanghal sa Asian TV Awards noong 2007.
- "Kalapati": Istorya Ni Ninoy at Cory - Dalawang parteng kuwento ng buhay nina Ninoy Aquino at Cory Aquino.
- "Pasa": Pinalabas noong Mayo 21, 2016. Kinatampukan nina Raikko Mateo at Diego Loyzaga.
Mga Parangal
- PMPC Star Awards para sa Telebisyon
- KBP Golden Dove Award
- Catholic Mass Media Awards
- Asian TV Awards
- Seoul Drama Awards
- 24th Star Awards for Television
References
- "Filipinos top Asian TV Awards". Inquirer.net. November 30, 2007.
- Navarro, Mell (16 Oktubre 2008). "PMPC bares nominees for "22nd Star Awards for Television"". Philippine Entertainment Portal.