Lungsod Tacloban
Ang Lungsod ng Tacloban ay isa sa tatlong (3) lungsod at kabisera ng Lalawigan ng Leyte. Matatagpuan ito sa gitna ng Silangang Visayas, sa hilagang-silangang bahagi ng Leyte.
Ang Lungsod ng Tacloban ay ang pangunahing Lungsod sa buong Silangang Visayas.
Kasaysayan
Noong unang panahon, ang Lungsod ng Tacloban ay kilala noon sa pangalang "Kankabatok" sa ngalan ng pinakaunang taong nanirahan sa lugar - si Kabatok. Pinaniniwalaan ng mga katauhan na siya ay nanirahan malapit sa kasalukuyang kinalalagyan ng Simbahan ng Santo Nino de Tacloban. Sumunod sa kanya si Gumoda, Harangin at Huraw na nanirahan malapit sa bahay ni Kabatok.
Ang maliit na kolonya ay nakilala sa pangalang Kankabatok, na ang ibig sabihin ay "Ang Teritoryo ni Kabatok".
Nang malapit nang matapos ang Ika-labing anim na Siglo, ang Kankabatok ay nasa ilalim ng Administrasyong Pulitikal ng Palo, Leyte pero kasama sa Simbahan ng Basey, Samar. Noong 1770, nadiskubre ng mga Agustiniyong misyonaryo ang lugar. Pagkatapos ng sampung taon, ito ay naging isang Pueblo. Malapit sa 1843, dumating ang mga Fransiskong misyonaryo at sa panahong yon, ang pangalang Kankabatok ay pinalitan sa pangalang Tarakluban.
Noong araw, ang mga kadagatan ng Kankabatok ay paboritong puntahan ng mga mangingisda dahil sa karamihang isda sa mga kadagatan ng lugar. Dito nila ginagamit ang isang kagamitan na ginawa mula sa bamboo na kilala sa pangalang "taklub". Kung ang mga katauhan ay tumanong sa mga mangingisda kung saan sila pupunta, ito ang sinasabi nila: ha Tarakluban! - ang lugar kung saan nila ginagamit ang taklub para mangisda.
Maraming panahon ang lumipas at ang pangalang Tarakluban ay pinalitan ng Tacloban.
Ang Tacloban ay naging Lunsod dahil sa Batas Republika bilang 760 na isinulat noong Ika-20 ng Hunyo, taong 1952 at naipasa noong Ika- 12 ng Hunyo, taong 1953. Ito ay napasa dahil sa suporta ni Rep. Daniel Z. Romualdez ng Unang Distrito ng Leyte sa panahong yon at siya ang Speaker ng House of Representatives noon. Si Doktor Ildefonso Cinco ang pinakahuling Alkaldeng Munisipal, ay naging pinakaunang Alkaldeng Lungsod ng Tacloban.
Ang dating Unang Ginang na si Imelda Romualdez-Marcos, asawa ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand E. Marcos ay isang relatibo ni Rep. Daniel Z. Romualdez ng unang distrito ng Leyte.
Ngayon ang Tacloban ay ang kabisera ng Probinsya ng Leyte at sentro ng Rehiyong Silangang Visayas.
Mga barangay
Ang Lungsod ng Tacloban ay may 138 na barangay.
|
|
|
|
Mga Tanawin
Lugar ng Kasaysayan:
* Provincial Capitol of Leyte * Tacloban City Hall * Price Mansion * Redoña Residence * MacArthur Park * Madonna of Japan
Mga lugar ng interes:
* Sto. Niño Shrine and Heritage Museum * People's Center And Library * San Juanico Bridge * The Crucified Christ * San Juanico Strait * Family Park * Sto. Niño Church * Plaza Rizal
Mga Shopping Mall at Shopping Centers
* Gaisano Tacloban * Dynasty Square * Kevins * Robinsons Place - Tacloban - soon to open * Gaisano Capital Mall - soon to open
Sanggunian
- Tacloban City (hinango noong 4 Disyembre 2007).
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |
Tacloban
Tacloban
Tacloban
Tacloban
Tacloban
Tacloban
Tacloban
Tacloban