Lungsod Navotas
Ang Navotas ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Sinasakop ng bayan ang isang makipot na mahabang lupa sa may silangang pampang ng Look ng Maynila. Nasa diretsong hilaga ng Maynila ang Navotas, kanluran ng Lungsod ng Malabon, at timog ng Obando, Bulacan.
Isang mahalagang komunidad ng palaisdaan ang Navotas. Nakasentro sa pagpapalaki ng isda ang karamihan sa mga kabuhayan ng mga residente dito. Nanghuhuli din ng mga isda ang ilan sa Look ng Maynila.
Kabilang ang Navotas sa impormal na sub-rehiyon ng Kalakhang Maynila na CAMANAVA. Maliban sa Navotas, kabilang dito ang mga lungsod ng Kalookan, Malabon, at Valenzuela. Inaakalang laging binabaha ang lugar na ito ngunit sa katotohanan dahil ito pagkati ng dagat, at ilan lamang mga barangay ang apektado hinggil sa mga proyekto na inumpisahan ng parehong lokal at pambansang pamahalaan. Polusyon at labis na populasyon ang ilan lamang sa mga suliranin na sinusubukang lutasin ng pamahalaan. Kilala ang Navotas sa kanyang mga patis at bagoong at tinuturing na "Kapital sa Pangingisda ng Pilipinas". Nasa Navotas ang pinakamalaki at pinakamakabagong pwerto sa pangingisda sa Pilipinas, at marahil sa buong mundo.
Tinatag ang Navotas noong Enero 16, 1906 bilang isang nagsasariling bayan at naging lungsod noong Hunyo 24, 2007 sa bisa ng isang plebisito.
Government
Kinatawan: Tobias Reynald M. Tiangco
Punong-lungsod: John Rey M. Tiangco
Pangalawang Punong-lungsod: Patrick Joseph A. Javier
Mga Konsehal:
1st District
- Domingo L. Elape
- Richard S. San Juan
- Alfredo R. Vicencio
- Edgardo D. Manio
- Reynaldo A. Monroy
- Bernardo C. Nazal
2nd District
- Clint B. Geronimo
- Elsa L. Bautista
- Marielle Del Rosario
- Ricky Gino-Gino
- Analiza Lupisan
- Ronaldo D. Naval
Dating mga Punong-lungsod
Mayor | Year of Service |
---|---|
John Rey M. Tiangco | 2010 - Present |
Tobias Reynald M. Tiangco | 2007 - 2010 |
Tobias Reynald M. Tiangco | 2001 - 2007 |
Cipriano Bautista | 1998 - 2001 |
Felipe Del Rosario Jr. | 1986 - 1998 |
Victor B. Javier | - 1986 |
Dr. Felipe Neri Del Rosario | |
Felix Monroy | |
Tomas Gomez | |
Pacifico G. Javier | |
Hermogenes Monroy | |
Angelo Angeles | |
Alejandro Leongson | |
Canuto Celestino | |
Arcadio Jiongco |
Barangays
Ang Navotas ay hinati sa 14 Barangay. Itong mga barangay ay pinagsama-sama sa 2 distrito:
District 1
- Bagumbayan North
- Bagumbayan South
- Bangkulasi
- Navotas East
- Navotas West
- North Bay Blvd., North
- North Bay Blvd., South
- San Rafael Village
- Sipac-Almacen
District 2
- Daanghari
- San Jose (Pob.)
- San Roque
- Tangos
- Tanza