Difference between revisions of "Lualhati Bautista"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
 
Line 4: Line 4:
 
Bata pa lamang ay alam na ni Bautista ang kaniyang hilig—ang pagsusulat. Pinagyaman niya ang kaniyang talento sa pagsusulat sa pamamagitan ng mga personal na karanasan, pagmamasid sa kapaligiran, at inspirasyon mula sa mga minamahal. Naging pangalawang tahanan din niya noon ang tanggapan ng magasing ''Liwayway'' sapagkat regular siyang nagpapasa ng kaniyang mga akda. Labimpitong taong gulang siya nang mailathala ang kaniyang unang maikling kuwento sa ''[[Liwayway]]''. Sa magasing ito rin unang nabasa ang kaniyang nobelang ''[[Bulaklak ng City Jail]]'' na naisapelikula noong 1984.
 
Nagsulat din si Bautista ng ilang serye sa telebisyon. Kabilang dito ang ''Daga sa Timba'' (1975) at ''Isang Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzado'' (1987). Nagsulat din siya ng maikling kuwento na nagwagi rin sa CPMA tulad ng “Tatlong Kuwento sa Buhay ni Juan Candelabra” (1982) at “Buwan, Buwan, Hulugan Mo Ako ng Sundang” (1983).
+
Nagsulat din si Bautista ng ilang serye sa telebisyon. Kabilang dito ang ''Daga sa Timba'' (1975) at ''Isang Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzado'' (1987). Nagsulat din siya ng maikling kuwento na nagwagi rin sa CPMA tulad ng “Tatlong Kuwento sa Buhay ni Juan Candelabra” (1982) at “Buwan, Buwan, Hulugan Mo Ako ng Sundang” (1983). Siya rin ang pangunahing manunulat sa programang ''Pira-pirasong Pangarap'' (1997–2002).
 +
 
 +
Naisalin sa iba’t ibang wika ang kaniyang mga akda tulad ng ''Dekada ’70'' sa Japanese, “Buwan, Buwan, Hulugan Mo Ako ng Sundang” sa Finnish, at “Tatlong Kuwento sa Buhay ni Juan Candelabra” sa English.
  
Si Bautista ay marami ring natanggap na parangal bilang screen writer mula sa Film Academy of the Philippines, Philippine Movie Press Club, Filipino Academy of Movie Arts and Sciences, at Gawad Urian.
 
Line 20: Line 22:
 
Noong 2017, pinarangalan si Bautista ng [[Gawad Dangal ni Balagtas]], ang pinakamataas na pagkilala para sa isang manunulat ng [[Komisyon sa Wikang Filipino]] (KWF). Noong 2020, pinarangalan din siya ng [[Gawad CCP Para sa Sining]], ang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng [[Cultural Center of the Philippines]].
 
== Sanggunian ==
+
Narito ang iba pa niyang tinamong pagkilala:
Rica Arevalo. “Lualhati Bautista and her one true and forever love.” Manila Bulletin, 15 Disyembre 2020. https://mb.com.ph/2020/12/15/lualhati-bautista-and-her-one-true-and-forever-love/. Accessed 26 Pebrero 2021.  
+
 
 +
* Recognition Award, Institute of National Languages (1987)
 +
* Outstanding Women Artists Lifetime Achievement Award (1994)
 +
* Gawad Balagtas, National Achievement Award for Literature (1999)
 +
* Most Popular Writer, Guillermo Mendoza Memorial Awards (2003)
 +
* Recipient, Cecilia Hildegard Award, St. Scholastica College, sa paggamit ng kaniyang mga akda bilang boses ng kababaihan (2009)
 +
* Natatanging Gawad Tanglaw sa Sining ng Panulat, Colegio de San Juan de Letran (2014)
 +
 
 +
== Mga Sanggunian ==
 +
 
 +
* Rica Arevalo. “Lualhati Bautista and her one true and forever love.” Manila Bulletin, 15 Disyembre 2020. https://mb.com.ph/2020/12/15/lualhati-bautista-and-her-one-true-and-forever-love/. Accessed 26 Pebrero 2021.
 +
* Lualhati Bautista. “Ang May-akda (mga gantimpalang tinamo).” ''Sixty in the City'', mp. 363–369. Quezon City: Dekada Publishing (2015).  
 
{{WikiFilipino Nilalaman}}
 
{{WikiFilipino Nilalaman}}
 
[[Category:Kababaihang Pilipino]]
 
[[Category:Kababaihang Pilipino]]
 
[[Category:Alagad ng Sining]]
 
[[Category:Alagad ng Sining]]
 
[[Category:Panitikang Pilipino]]
 
[[Category:Panitikang Pilipino]]

Latest revision as of 04:16, 1 March 2021

Realidad ng buhay. Ito ang mababasa sa mga akda ni Lualhati Bautista, isa sa mga natatanging manunulat sa Pilipinas na ipinanganak noong 2 Disyembre 1945 sa Tondo, Maynila. Kasunod na ng kaniyang pangalan ang nobelang Gapo na unang dakilang gantimpala sa Carlos Palanca Memorial Awards (CPMA) noong 1980 at unang nailathala noong 1992. Natatangi rin ang mga nobelang Dekada ’70 (1983) at Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1984) na pawang nagwagi rin sa CPMA. Ang tatlong nobelang ito ay kabilang sa mga akda ni Bautista na naisapelikula.

Manunulat ng Karanasan

Bata pa lamang ay alam na ni Bautista ang kaniyang hilig—ang pagsusulat. Pinagyaman niya ang kaniyang talento sa pagsusulat sa pamamagitan ng mga personal na karanasan, pagmamasid sa kapaligiran, at inspirasyon mula sa mga minamahal. Naging pangalawang tahanan din niya noon ang tanggapan ng magasing Liwayway sapagkat regular siyang nagpapasa ng kaniyang mga akda. Labimpitong taong gulang siya nang mailathala ang kaniyang unang maikling kuwento sa Liwayway. Sa magasing ito rin unang nabasa ang kaniyang nobelang Bulaklak ng City Jail na naisapelikula noong 1984.

Nagsulat din si Bautista ng ilang serye sa telebisyon. Kabilang dito ang Daga sa Timba (1975) at Isang Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzado (1987). Nagsulat din siya ng maikling kuwento na nagwagi rin sa CPMA tulad ng “Tatlong Kuwento sa Buhay ni Juan Candelabra” (1982) at “Buwan, Buwan, Hulugan Mo Ako ng Sundang” (1983). Siya rin ang pangunahing manunulat sa programang Pira-pirasong Pangarap (1997–2002).

Naisalin sa iba’t ibang wika ang kaniyang mga akda tulad ng Dekada ’70 sa Japanese, “Buwan, Buwan, Hulugan Mo Ako ng Sundang” sa Finnish, at “Tatlong Kuwento sa Buhay ni Juan Candelabra” sa English.

Si Bautista ay marami ring natanggap na parangal bilang screen writer mula sa Film Academy of the Philippines, Philippine Movie Press Club, Filipino Academy of Movie Arts and Sciences, at Gawad Urian.

Hanggang sa kasalukuyan, si Bautista ay patuloy pa rin sa pagsusulat at paglalathala ng mga aklat tulad ng Desaparesidos (2006), In Sisterhood (2013), Sixty in the City (2015), Hinugot sa Tadyang (2016), at Sonata (2017).

Noong 2020, inilathala ni Bautista ang una niyang aklat ng mga tula na pinamagatang Alitaptap sa Gabing Madilim.

Bilang Feminista

Isang aktibista at feminista si Bautista. Maaaninag ito kina Amanda, Lea, Angela, at iba pang nalikha niyang tauhan na sumasalamin sa buhay at kalagayan ng mga babae sa lipunan. Siya ang tanging babaeng manunulat na nakasama sa isang aklat ng International Women Writers na nailathala sa Japan noong 1991.

Noong 2005, kinilala ng Feminist Centennial Film Festival ang kaniyang natatanging kasanayan sa pagsulat ng screen play.

Iba pang Parangal

Noong 2017, pinarangalan si Bautista ng Gawad Dangal ni Balagtas, ang pinakamataas na pagkilala para sa isang manunulat ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Noong 2020, pinarangalan din siya ng Gawad CCP Para sa Sining, ang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng Cultural Center of the Philippines.

Narito ang iba pa niyang tinamong pagkilala:

  • Recognition Award, Institute of National Languages (1987)
  • Outstanding Women Artists Lifetime Achievement Award (1994)
  • Gawad Balagtas, National Achievement Award for Literature (1999)
  • Most Popular Writer, Guillermo Mendoza Memorial Awards (2003)
  • Recipient, Cecilia Hildegard Award, St. Scholastica College, sa paggamit ng kaniyang mga akda bilang boses ng kababaihan (2009)
  • Natatanging Gawad Tanglaw sa Sining ng Panulat, Colegio de San Juan de Letran (2014)

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.